Kaila Estrada Defends “Linlang” Co-Star Anji Salvacion From Bashers

Kaila: “I hope people can be nicer”

Nagpahayag ng saloobin si Kaila Estrada, isa sa cast ng Kapamilya series na “Linlang,” sa gitna ng hindi maampat na pamba-bash ng netizens sa kanyang co-star na si Anji Salvacion.

Hindi lingid sa kaalaman ni Kaila na matindi ang pambabatikos na natatanggap ni Anji dahil pagganap nito sa serye.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph noong Opulence Ball 2023 sa Taguig noong Martes, October 31, nakiusap si Kaila sa bashers na maghinay-hinay sa mga sinasabi online. 

Kaila Estrada
Kaila Estrada
IMAGE: kailaestrada on Instagram

Saad si Kaila, “I understand that criticism is part of it, di ba? I mean, we welcome it, kasi we learn from the criticism that we receive.

“But I think some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online.”

Ayon pa sa anak nina Janice de Belen at John Estrada, “Hindi naman natin alam yung magiging effect nun sa kanya. I hope people can be nicer.”

Ang “Linlang,” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman, at Paulo Avelino, ay umeere sa Prime Video at naglalabas ng bagong episodes tuwing Huwebes.

Criticisms on Anji’s acting

Nakatanggap si Anji ng kabi-kabilang bashing matapos ang ilang eksena sa “Linlang” na hindi umano nagustuhan ng manonood. 

Kahit ang veteran host at actor na si Ogie Diaz ay nag-ere ng kanyang opinyon. Ayon sa kanya, “medyo pilit” ang subplot ni Anji at ng on-screen partner nito na si Kice So, na graduate ng “Idol Philippines” season two.

Sumunod pa ang ilang sentimyento ng netizens tungkol sa monologue ni Anji sa serye, kung saan siya ay makikitang umiiyak at nagda-drama tungkol sa kapatid niya, na ginagampanan naman ni Kim Chiu. 

Matapos kumalat sa social media ang opinyon ni Ogie, agad namang nagbigay ng pahayag si Anji tungkol dito. Ayon sa kanya, may mga eksena raw na pinutol mula sa orihinal na takbo ng kwento.

”Nabasa ko yun actually. Kaya nga sinabi ko kanina na ang dami ding mga bagay na, actually before that scene, may mga scene pa yun na hindi na na-ano sa Prime kasi, di ba, may limited din na time sa Prime. Like mga one hour and a half.’

READ ALSO: Anji Salvacion Reacts To Ogie Diaz’s Comment On Her “Linlang” Character

Kaila Estrada draws inspiration from veteran co-stars 

Sa “Linlang,” gumaganap si Kaila bilang Sylvia Lualhati, isa sa mga focal na karakter sa serye.

Bago ang teleseryeng ito, naging kontrabida siya ni Charlie Dizon sa “Viral Scandal,” ang kanyang unang regular teleserye.

Sa batang edad, tila malaki agad ang role na pinagbibidahan niya, kung kaya’t pinuri siya ng PEP.ph sa kanilang interview. 

Sagot niya, “I think part na rin yun dun sa challenge na the cast, of course, sobrang powerhouse. And siyempre, medyo kinabahan din ako and also mas mature yung role.”

Sinabi niya ring malaki ang naging paghahanda niya para sa role. Isa na rito ay kung paano niya mako-kondisyon ang kanyang “emotional investment” para sa ginagampanang karakter. 

Sa kabila ng agam-agam kung tatanggapin ba ng mga tao ang kanyang pagganap, “grateful” pa rin daw siya sa natatanggap na suporta at feedback. 

Bumuhos din ang papuri sa kanya ng netizens matapos i-ere ang episodes 9 at 10 ng “Linlang.”

Kasunod nito, nag-post naman si Kaila ng pasasalamat sa X (dating Twitter) sa kabila ng papuring natatanggap niya. 

Kahit ang co-star niyang si Kim, na scene partner niya sa isang intense na confrontation sa episode 9, ay nagpahayag ng paghanga sa husay niya sa pag-arte.

Sagot naman ni Kaila, ”Thank you so much, nako sinabayan lang kita!” 

Maging ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ay nagpahayag din ng paghanga kay Kaila. Ni-retweet ni Barbie ang balita mula sa Inquirer.net tungkol kay Kaila. Saad ni Barbie sa tweet:
Nireplyan ito ni Kaila at sinabing, “Thank u mum.”

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.