Kazel Kinouchi Shuts Down Alleged Sighting With Richard Gutierrez

Kazel asks insistent netizens, “Seriously, get a life”

Mariing pinabulaanan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi ang mga ugong-ugong na romantically involved siya sa Kapamilya actor na si Richard Gutierrez. Ito ay matapos kumalat sa internet ang ilang larawang diumano’y nagpapakitang magkasama silang dalawa. 

Kazel Kinouchi
Kazel Kinouchi
IMAGE: kazelkinouchi on Instagram

Isang mariin at all caps na “NO” ang sagot ni Kazel sa isang netizen nang tanungin siya nito sa isa sa kanyang Instagram posts kung totoong may relasyon sila ni Richard.

Matapang niya ring sinagot ang isa pang netizen na nagsabing dismayado raw siya sa nakitang mga larawan. Ani Kazel, “Seriously, get a life.” 

Pinatulan din niya ang isa pang netizen na nag-iwan ng unsolicited advice sa pinakahuling post ng aktres sa Instagram. 

Payo ng netizen, sana raw ay huwag sirain ni Kazel ang kanyang karera. Maganda raw ang kinabukasan niya kung kaya’t hindi na niya kailangang “makaladkad” pa sa kung anumang isyu para lamang sumikat.

Napapanood ngayon si Kazel sa top-rating Kapuso series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Naging malaman naman ang sagot ni Kazel at sinabing, “Don’t believe everything you see on the internet.” 

download 1 3

Kazel Kinouchi jokes about the rumors on TikTok live 

Pinutakte rin ng tanong si Kazel habang naka-live ito sa TikTok noong Linggo, November 19, 2023. 

Pilit tinatanong ng marami kung talaga bang may relasyon sila ni Richard, pero giit niya, “Kanina ko pa sinasagot yan kasi kanina pa akong 4 p.m. dito. Ang masasabi ko lang, ‘Time is the ultimate truth teller.’” 

Sagot niya pa sa isang nagtanong, “Hindi po totoo yun…Ang ganda ko naman po, ha. Grabe naman kayo. Napaka-ano ko naman. Ang haba naman ng hair ko.” 

Nagbiro naman siya na tanging “questions about the product” lamang daw ang ie-entertain niya sa live, at hindi ang mga intriga tungkol sa kanya. 

“I’m sad to say, it’s not true. So, wala kayong juice na makukuha from me,” dagdag niya pa. 

Sa huli sinabi niyang, “For the last time, hindi po totoo yon. Kapitbahay lang po namin yon. Maawa na po kayo sa ‘kin, huwag niyo ‘ko pag-tsismisan.”  

Kazel Kinouchi
Kazel Kinouchi
IMAGE: kazelkinouchi on Instagram

Lumabas ang isyu ni Richard at Kazel kasunod ng espekulasyong hiwalay na ang aktor sa asawang si Sarah Lahbati. 

Kailan lamang ay dinumog ng netizens ang Instagram accounts ng mag-asawa matapos mabatid na hindi na ipinu-post nila ang isa’t isa sa social media. Tanging mga anak na lamang nila na si Zion at Kai ang nakikitang ka-bonding nilang dalawa. 

Namataang huling magkasama si Richard at Sarah sa isang event na ginanap noong October 28. Ang mga larawang ibinahagi sa Facebook ng kanilang kaibigan ay i-shinare naman ni Sarah sa kanyang account. 

Hindi rin um-attend si Sarah sa katatapos lamang na Opulence Ball 2023 noong October 31. Ang nasabing event ay inorganisa ng kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez. 

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ni Richard at Sarah tungkol sa isyu.  

Ikinasal si Richard at Sarah oong March 2020. Bago pa man makasal ay may dalawa na silang anak—si Zion na ipinanganak noong 2013 at si Kai noong 2018. 

READ ALSO: Sarah Lahbati, Richard Gutierrez’s New Photos Spark Breakup Rumors From Netizens

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.