Lexi Gonzales

GMA-7 Actress Lexi Gonzales Hints At Experiencing “Ahasan” In The Past

“Aminin na natin, marami diyan na ahas. Marami diyan na mga plastic”

Naniniwala ang Kapuso actress na si Lexi Gonzales na “hindi mawawala” ang ahasan at agawan ng boyrfriend sa showbiz.

Tila based on experience ang hugot ni Lexi pagdating dito nang matanong siya ng FreebieMNL sa press conference ng “Regal Studio Presents” noong September 19, 2023 sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Kasalukuyang nagdiriwang ang drama anthology ng GMA-7 at Regal Entertainment ng ikalawang anibersaryo at isa sa bida ng mga episodes ay si Lexi at Yasser Marta.

Dito ay natanong si Lexi kung ano ang pakiramdam ng kanyang boyfriend na si Gil Cuerva sa tuwing mapapareha sila sa ibang love team sa kanilang projects.

Ayon kay Lexi, wala naman daw problemang ma-partner siya sa iba-ibang leading man, katulad na lang ng mga naging episode niya sa “Regal Studio Presents.”

Bukod kay Yasser, nakapareho niya rin si Dustin Yu.

Sagot ni Lexi, “Hindi naman, sanay naman akong napa-partner with different leading men, like my last Regal Studio before the episode with Yasser was also with Dustin, it’s a different story also.

“Sanay na ako na talaga na iba’t iba ang ka-partner ko, babae man yan, lalaki, bakla. Tomboy, butiki, baboy, I’m open basta trabaho.”

Lexi talks about loyalty

Dahil ang episode nila ni Yasser ay tungkol sa loyalty, natanong din siya kung gaano ito kahalaga sa kanyang relasyon kay Gil.

Saad ni Lexi, “Ako kasi, with loyalty, comes trust, e. Importante talaga sa relationship ang tiwala.

“Lalo na sa industriya natin, di ba? Aminin na natin, marami diyan na ahas. Marami diyan na mga plastic.”

Ang mahalaga raw ay may tiwala sila ni Gil sa isa’t isa.

Patuloy niya, “Pero, nasa sa ‘yo na yan, e. If you trust your partner like kami kasi ni Gil we’re on the same industry, pareho kaming actors. So, naiintindihan namin yung isa’t isa.

“Ako I trust him in the same way naman with him na he trusts me. So, dahil doon sa tiwalang yun, meron kaming loyalty sa isa’t isa.”

“Ahasan” experience?

Diretsahan nang tinanong ng FreebieMNL kung na-experience mismo ni Lexi ang sinasabi niyang “ahasan” sa showbiz.

Nagpakatotoo na rin si Lexi nang sagutin ito.

Sabi ng Sparkle actress, “Marami. At sa industriya natin, hindi naman mawawala yan.”

Subalit hindi na raw para patulan niya ang mga ganitong sitwasyon.

“Pero, ano rin e, minsan alam natin kung dapat ang battles natin. We must choose our battles.

 “Maraming tao who will drag you down. Gustong agawin ang boyfriend mo. Maraming ganon. Pero piliin mo na lang kung kalian ka lalaban. Kasi kung hindi naman worth it, bakit mo lalabanan, di ba?”

Bukod kay Lexi at Yasser, ilan din sa mga Kapuso artists na featured sa 2nd anniversary special ng “Regal Studio Presents” ay sina Althea Ablan, Will Ashley, Shayne Sava, Dustin Yu, Carlo San Juan, Lianne Valentin, Royce Cabrera, at Miggs Cuaderno.

Umeere ang “Regal Studio Presents” tuwing Linggo, 4:15 p.m. sa GMA-7 at GTV.

Banner Art Dani Sison

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.