Kaori Oinuma Reveals Process In Doing Intense Scene With Dolly De Leon In “A Very Good Girl”

“Sure ba kayo na sa akin niyo ‘to ibibigay,” Kaori initially asked

Pinag-usapan ang Kapamilya star at Rise artist na si Kaori Oinuma sa naging pasabog niyang eksena sa Star Cinema movie na “A Very Good Girl,” na pinangungunahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Tila pinanindigan na talaga ni Kaori hanggang sa premiere ng pelikula ang ipinakita niyang katapangan at pagiging daring sa pelikula base sa kanyang outfit.

Kaori Oinuma
Kaori Oinuma
IMAGE @edjgalang on Instagram

May isang eksena rin sila ni Dolly na naging pasabog at ikinagulat ng mga manonood.

Sa panayam sa kanya ng FreebieMNL kamakailan, natanong si Kaori kung paano nga ba siya napapayag na gawin ang panggulat na eksena nila ni Dolly.

Kuwento ni Kaori, “Noong unang sinabi siya sa akin, napatanong talaga ‘ko sa kanila na, ‘Sure ba kayo na sa akin niyo ‘to ibibigay?’ 

“Kasi, ang pagkakatanda ko, yung mga character na ibinibigay nila sa akin, mga sweet roles, mga pa-tweetums. Kaya sabi ko, ‘Sure ba kayo?’

“Kasi ako, okay naman na ako na lumiko na ng path ng career ko, yung medyo may spice na ng konti. Tapos sabi nila, ‘Yes, ikaw talaga ang nakikita sa role.’”

Nagkaroon din daw ng intimacy workshop sina Kaori at Dolly bago nila kinunan ang eksena.

Kuwento pa niya, “During the workshop, sinigurado naman nila sa amin na hindi kami magkakaroon ng ilangan at kumportable kami sa isa’t-isa.

“Gano’n na nga ang nangyari sa shoot namin. Wala akong naramdamang ilang, takot. Safe na safe ako sa buong shoot namin.”

Naramdaman naman daw ni Kaori ang suporta sa kanya ni Dolly. Hinayaan daw siya nito na mag-initiate sa kanilang eksena.

Patuloy ni Kaori, “Noong first take kasi namin, medyo naiilang pa ko. Hindi ko alam kung paano ko siya ibibigay. Noong second take namin, sinabi niya na, ‘Oh, sige, ikaw na ang mag-lead para hindi ka mailang or something.’ 

“Kaya sa second take, doon ako hindi na nag-hold back para hindi na makatagal and I think, good take naman.

“Super casual naming dalawa and mas lalong nakakawalang ilangan.”

Aminado si Kaori na pagkatapos daw niyang gawin ang eksena nila ni Dolly, nakaramdam siya ng “satisfaction” bilang isang aktres.

“Yes and to think na si Ms. Dolly ang ka-eksena ko, of course, nakaka-intimidate talaga,” sabi niya. 

 “Pero good take, narinig ko yung word mula sa mga bosses. Masaya sila sa nagawa ko. Yeah, I’m happy, may satisfaction.”

READ ALSO: How Does Dolly De Leon Rate Kathryn Bernardo As An Actress

Kaori’s daring side

Mukhang palaban talaga si Kaori pagdating sa kaya niyang gawin bilang isang aktres. 

Bukod kasi sa “A Very Good Girl,” mayroon din siyang mapangahas na kissing scene with Jeremiah Lisbo sa iWant series na “Fractured”

Kung bibigyan pa siya ng mas daring na role, kaya niya bang mag-all-out sa pagpapa-sexy?

Saad niya, “Siguro mga ilang years pa, kasi, 23 pa lang ako ngayon.

“Siguro, medyo patandain lang ako ng konti. Konti lang… ayoko lang ng biglang boom, nando’n na ako sa path na hindi na ako makakabalik sa kung saan ako nag-start.”

Para kay Kaori, malaking bagay raw talaga para sa kanya na nakasama siya sa cast ng “A Very Good Girl.”

“For me, it’s one for the books talaga na nakasama ako sa ‘A Very Good Girl’ and it’s a big project talaga sa Star Cinema and to think na comeback din ‘to ni Ms. Kathryn, ni Ms. Dolly, yes. 

“Naka-work ko na dati si Ms. Dolly, sa ‘He’s Into Her,’ pero, hindi kami nagka-eksena before. Kaya ito yung moment na nakilala ko sila parehas, and ang dami kong natutunan sa kanilang dalawa.

“Kung paano sila mag-work, paano sila makitungo sa mga nakapaligid sa kanila.”

Kung may naging takeaway siya na nakasama ang dalawang bida ng pelikula, ano ang mga ito?

“With Ate Kath, sobrang importante ang give and take pagdating sa acting. Kasi, hindi lahat ng nakaka-trabaho mo, masipag na magbigay kapag hindi nila shot.”

At kay Dolly naman daw, sabi ni Kaori, “Sobrang generous niya.”

Words Tamar Ysabel
Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.