ABS-CBN Christmas Station ID 2023 Showcases Kapamilya Stars In GMA-7, TV5 Buildings

TV5 and GMA-7 have their own cameos!

May ngiti at puno ng kasiyahan ang naging pagsalubong ng ABS-CBN sa huling buwan ng taon, matapos nitong ilunsad ang opisyal na Christmas Station ID ngayong Biyernes, December 1, 2023. 

Sa panulat ni Robert Labayen ay inilabas na nga ng Kapamilya Network ang kanilang taunang Christmas Station ID na may pamagat na, “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento.” 

Ang nasabing video ay pinangunahan ng ilan sa pinakamakikinang na Kapamilya stars, kabilang na nga sila Vice Ganda, Anne Curtis, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Coco Martin, at Sarah Geronimo.

Screenshot 2023 12 01 204923
Piolo Pascual
Screengrab from ABS-CBN

Tampok din ang ilang love teams, tulad ng tambalan ni Donny Pangilinan at Belle Mariano na DonBelle, at Francine Diaz at Seth Fedelin na FranSeth. 

Screenshot 2023 12 01 205109
Donny Pangilinan, Belle Mariano
Screengrab from ABS-CBN

Mapapansin ding bida ang tambalang KathNiel ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo isang araw matapos nilang ianunsyo ang kanilang hiwalayan sa Instagram. Kita sa video na hindi sila magkasama sa isang frame, at magkasunod lamang ang shots nila habang kumakanta. 

Ilan pa sa mga makikinang na bituin na bumida ay sila Jaclyn Jose, Lorna Tolentino, Joey Marquez, Joey De Leon, Amy Austria, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Nova Villa, Ruffa Gutierrez, Agot Isidro, Sylvia Sanchez, Baron Geisler, Desiree Del Valle, Kim Chiu, at Angel Aquino. 

Screenshot 2023 12 01 205033

Naging sentro rin ang barkada moments na binubuo nila Chie Filomeno, Maris Racal, Alora Sasam, Darren Espanto, Albie Casiño, Joao Constancia, Karina Bautista, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, at Zaijan Jaranilla.

Screenshot 2023 12 01 205133

Si Regine Velasquez, KZ Tandingan, Darren, Martin Nievera, Jolina Magdangal, Gary Valenciano, at Bamboo ang nanguna sa pag-awit ng Christmas anthem. 

Hindi rin nagpahuli ang Kapamilya big bosses ng ABS-CBN na si Charo Santos, Cory Vidanes, at Carlo Katigbak na na lalong nagpatingkad ng mensahe ng kapaskuhan.  

ABS-CBN Christmas Station ID features GMA and TV5 Network 

Naging mas makahulugan naman ang mensahe ng himig, matapos ipakita ang buildings ng GMA-7 sa Quezon City at TV5 naman sa Mandaluyong. 

Ito ay tila sumisimbolo sa ugnayan na nabuo sa pagitan ng mga networks nitong mga nakaraang taon, partikular na ang ilang proyekto na nagmula sa kanilang collaborations. 

Isa na nga rito ang “Pira-pirasong Paraiso” na pinagbibidahan ni Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at syempre, ang paglipat ng noontime show na “It’s Showtime” mula sa Kapatid network papunta sa Kapuso network.  

READ ALSO: ABS-CBN, TV5 Sign 5-Year Content Agreement

Umiinog ang kanta sa ilang natatanging kwento ng pamilyang Pilipino. 

Kabilang na nga rito ang mag-asawang si Raymond at Jhoanna Galano na nabiyayaan ng anak matapos makunan at ang pamilya ni Joy at Joben Sumili at ang anak nilang si Ben na kagaya nilang bingi.

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.