Angelica Panganiban Celebrates Last Birthday As A Single Woman

“Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan bilang Ms. Panganiban,” Angelica says

Masayang ipinagdiwang ni Angelica Panganiban ang kanyang huling kaarawan bilang isang single woman.

Ito ay base sa kanyang Instagram post noong Linggo, November 5, 2023, kung saan nagkaroon siya ng party para sa kanyang 37th birthday.

Sabi niya sa kanyang caption, ito na ang kanyang huling birthday bilang “Ms. Panganiban,” nangangahulugang sa susunod niyang kaarawan ay dala-dala na niya ang apelyido ng kanyang fiancé na si Gregg Homan.

Maging ang hashtag ng kanyang party ay #HuliNaNiPanganiban.

Ani Angelica, “Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan bilang Ms. Panganiban #HuliNaNiPanganiban”

Ilan sa mga malalapit na kaibigang dumating sa party ni Angelica ay sina Kim Chiu, Ketchup Eusebio, Glaiza de Castro, Alyssa Valdez, Smokey Manaloto, at iba pa niyang non-showbiz friends.

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban, Kim Chiu, and Gregg Homan
PHOTO @iamangelicap on Instagram
Angelica Panganiban
Ketchup Eusebio, Smokey Manaloto, Glaiza de Castro, and Angelica Panganiban
PHOTO @iamangelicap on Instagram

Present din si Gregg, na nakatakdang ikasal kay Angelica sa 2024.

Unang na-confirm ang engagement ni Angelica at Gregg noong October 2022. Ayon pa sa vlog ni Angelica, dalawang beses na raw na-delay ang kasal nila. Una noong 2022 at sumunod noong 2023.

Sabi niya, “Ilang beses naming triny mag-elope, so parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan at ang family members namin. So ngayon parang mukhang matutuloy na siya.”

May isang anak na si Angelica at Gregg, ang one-year-old na si Amelia Sabine na nag-birthday noong September.

READ ALSO: Angelica Panganiban, Gregg Homan To Wed In 2024

Kim Chiu, Glaiza de Castro’s heartwarming greetings for Angelica

Samantala, isa naman si Kim Chiu sa mga bumati kay Angelica sa Instagram.

Matagal nang matalik na magkaibigan sina Angelica at Kim, kasama si Bela Padilla. Sa katunayan, may grupo silang tinatawag na “AngBeKi,” derived mula sa unang syllable ng kanilang mga pangalan.

READ ALSO: Besties Kim Chiu, Bela Padilla Share Kulit Moments In Switzerland

Tawagan din nila sa isa’t isa ay “momsy.”

Ayon sa birthday message ni Kim para kay Angelica, “never” raw niyang na-imagine na magiging magkaibigan sila.

Marami rin daw silang napag-usapan tungkol sa buhay ng isa’t isa.

Saad ni Kim, “Happy birthday, momsy @iamangelicap. Never ko na imagine na magiging kaibigan ko ang isang Angelica Panganiban.

“Thank you for being a great friend to me, napaguspan nga natin kahapon, without even saying alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko.

“Thank you, moms for always being there for me and sa buhay kailangan mo ng kaibigan na totoo sayo wala nang pabulaklak basta yun na yun! We may not see each other often, pero thank you dahil alm ko lagi kang anjan para sakin. Swerte ako na may kaibigan ako tulad mo and momsy @bela!”

Sabi rin ni Kim, masayang masaya siya sa nangyayari sa buhay ni Angelica ngayon.

Patuloy niya, “I love you so much momsy! Super happy ako sa nangyayari sa life mo! deserve mo lahat ng meron ka ngayon. Excited na ako sa susunod na mga buwan para sayo! Looking forward ng malala!!!

“Happy birthday, moms! More happiness, more blessings, more bondingssz, and shempre good health! love you sooo sooo much! Thank you @gregg_homan and bean for making my momsy COMPLETE!”

Samantala, nagbigay rin ng maikling greeting si Glaiza, na matagal nang kaibigan ni Angelica.

Nag-post si Glaiza ng iba-ibang video clips nang manood sila ng concert ng The Corrs noong October 21.

Sabi ni Glaiza sa caption, “Sa lahat ng concert na na attendan natin, dito kita nakitang ganap na masaya at kumpleto. Kaya naman deserve mo na malayang maranasan ang lahat ng mabubuting bagay sa mundo. Maligayang kaarawan Amigah @iamangelicap! Para sa pagiging sherpa!!!”

Unang naging magkaibigan sina Angelica at Glaiza nang magkasama sila sa youth-oriented show na “Berks” noong 2003.

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.