Kim Chiu Denies Split Rumors With Xian Lim

“Baka nalilinlang lang kayo,” Kim says in response to the breakup issue

Pinabulaanan ni Kim Chiu ang ngayo’y kumakalat na isyu ng hiwalayan nila ng kanyang 12-year boyfriend na si Xian Lim.

Kim Chiu
Kim Chiu
IMAGE: chinitaprincess on Instagram

Nakapanayam ng ilang press ang aktres sa nagdaang media conference ng kanyang Prime Video series na “Linlang.” 

Dito, nilinaw ni Kim na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita at baka “nalilinlang lang” ang mga nagtatanong. 

“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo,” pabirong sagot ng 33-anyos na aktres.

Dagdag pa niya, “Okay naman kami ni Xi… Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman [kami], masaya naman po.”

Xi ang pinaikling term of endearment ni Kim sa aktor. 

Nag-ugat ang ispekulasyon nang mapansin ng ilang netizens na hindi na nag-a-upload si Kim ng larawan nila ni Xian nitong mga nakaraan.

Kahit noong ABS-CBN Ball 2023 ay solong naglakad si Kim sa red carpet. Kumpara sa mga nagdaang taon, hindi niya kasama si Xian. Pero ayon sa paliwanag niya, nasa India raw si Xian upang i-fulfill ang pangarap nitong makapag-bike sa Himalayas. 

Xian Lim remains Kim Chiu’s source of happiness 

Regular na lumalabas si Kim sa “It’s Showtime” bilang host, at noong Huwebes, November 2 lamang ay kinumpirma niya sa programa na isa pa rin si Xian sa magpapangiti sa kanya.

Sa segment na “Tawag Ng Tanghalan,” tinanong ni Vice Ganda si Kim kung sino ba ang nagpapasaya sa kanya lately. 

Humarap sa camera si Kim at bumati ng “Hello.” Dinagdagan niya ito ng, “Pamilya ko, kamag-anak ko.”

“Napaka-OA,” sambit ni Kim nang pabiro siyang tingnan siya ni Vice. Kung kaya’t binanggit niya si “Xi.”  

Kim Chiu and Xian Lim’s romance 

Hindi ito ang unang beses na pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa. Matatandaang noong 2017 ay lumabas ang isyu ng kanilang hiwalayan—bagay na mariin ding pinabulaanan ni Xian sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Kim Chiu and Xian Lim
Xian Lim, Kim Chiu
IMAGE: xianlimm on Instagram

“No it’s not true,” sambit ni Xian.

“I get it if people will have that conclusion. I mean, I can’t say that it’s completely okay but it’s part of it. It’s easy kasi to get confused with the characters we portray in the teleseryes and the movies and in personal life,” dagdag pa niya. 

Ito ay kasunod ng balitang makakasama ni Kim ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa seryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin.” 

Taong 2012 pa nang magkaroon ng relasyon si Kim at Xian, ngunit nito lamang 2018 nang isapubliko ni Kim ang kanilang pagmamahalan. 

Kasalukuyang bumibida si Kim sa Prime Video exclusive series na “Linlang” kasama si Paulo, Avelino, JM De Guzman, at Maricel Soriano. 

READ ALSO: Here’s What Kim Chiu Feels About Non-Inclusion At Maja Salvador’s Wedding

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.