Gabbi Garcia Thankful For Friendship With Jodi Sta. Maria While Doing “Unbreak My Heart”

Gabbi Garcia’s movie with Jericho Rosales is no longer pushing through

Sa pagtatapos ng “Unbreak My Heart,” ang teleserye collaboration ng ABS-CBN, GMA-7, at VIU, hindi nagpahuli ang Sparkle artist na si Gabbi Garcia na makipagsabayan sa ibang cast ng teleserye na kilalang mahuhusay na aktor.

Kabilang na nga rito si Jodi Sta. Maria, na gumaganap bilang ina ni Gabbi.

Sabi ni Gabbi sa nakaraang press conference ng “Unbreak My Heart,” “Siguro it’s all hard work and disiplina po.

“Ang dami ko rin pong natutunan sa mga direktor. Sa acting coach, si Miss Ana Feleo.

“So, ano siya, e, it’s a project na I really wanted to grow. It was intentional.  Talagang may purpose, may intention na gusto kong mag-grow as an actor.”

Kahit nga raw siya ay nagulat sa kaya niyang ilabas sa mga matitinding eksena sa “Unbreak My Heart.”

Kuwento ni Gabbi, “Kahit ako po, nagulat po ako na kaya ko pala. Kaya kong tumalon. And, hindi basta tatalon lang, may tiwala.”

Gabbi Garcia Unbreak My Heart
Gabbi Garcia
PHOTO: @sparklegmaartistcenter on Instagram

Ang “Unbreak My Heart” ang kauna-unahang teleserye collaboration ng magkalabang networks na ABS-CBN at GMA-7 kasama ang streaming platform na VIU. Kasama rito nina Gabbi at Jodi sina Richard Yap at Joshua Garcia in the lead roles.

READ ALSO: GMA Network, ABS-CBN Collaborate In New Series, “Unbreak My Heart”

Friendship with Jodi Sta. Maria

Kung meron daw isang pinaka-espesyali na nangyari sa paggawa ni Gabbi ng “Unbreak My Heart,’ ito ay ang nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Jodi Sta. Maria.

Sabi pa ni Gabbi, hindi niya ine-expect na magiging close sila.

Ayon sa 24-year-old Sparkle actress, “Si Ate Jodi, isa siya sa mga surprisingly, hindi ko po talaga ine-expect, na naging ate ko siya, totoong ate ko siya. Hindi lang sa industriya but outside rin.

“Sabi nga namin, iba yung connection na na-build sa amin. Hindi lang siya showbiz. Hanggang off-cam, jibe kami.

“Iba yung closeness na nabuo sa amin, iba yung pagmamahalan sa aming dalawa. Kahit after ng show, pumupunta ko sa house niya, nagba-bonding kami.

“Hindi siya taping relationship. It goes beyond that. And it’s rare for me to find that in the industry.”

Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, Unbreak My Heart
(L-R) Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, and Joshua Garcia
IMAGE @dreamscapeph on Instagram

Marami ring mga baon na words of wisdom si Jodi. Ano ang hindi makakalimutan ni Gabbi sa mga naibigay sa kanya ni Jodi?

Kuwento ni Gabbi, “Number one advice niya sa akin is hindi ka robot. Okay lang na magkamali, okay lang na mapagod minsan. Kasi, hindi ka robot. 

“And na-a-appreciate ko rin kasi palagi niya rin akong sinasabihan na, well, naa-appreciate niya ang trabaho ko. Very seryoso raw ako sa craft ko and dahil sa mga gano’ng compliments, mas nagaganahan akong pagbutihin.”

Pagdating naman kay Joshua Garcia, mas naging close sila noong nag-taping sila sa ibang bansa.

Sabi ni Gabbi, “With Josh kasi, he’s very open.  And more on ano kami, siyempre, kami-kami lang naman ang magkakasama tuwing taping, di ba? Talagang nag-grow yung relationship namin.

“When it comes to deep conversation, siguro nakatulong din siya kasi mas pinagkatiwalaan namin ang isa’t-isa.”

READ ALSO: What To Expect From GMA-ABS-CBN Collab Series, “Unbreak My Heart”

Doing a mean character

Nagkaroon ng samu’t-saring reaksiyon at opinyon dahil sa mga pinaggagawa ng kayang karakter bilang si Alexandra.

“Totoo po,” natawang pagsang-ayon niya.

Dagdag niya, “Nakakaloka, kahit kapag nagmo-mall ako, yung mga nanay sa akin, ‘Uy, ang sama ng ugali mo do’n.’ Nakakatawa.”

Madya-justify ba ang mga actions ng kanilang mga karakter sa ending?

Nakangiting sagot ni Gabbi, “In the end, yun ang dapat nilang abangan.

“Justified in a sense, pero mas nasasayangan. Yun ang kailangan nilang abangan.”

Movie with Jericho Rosales shelved

Sa pagtatapos ng “Unbreak My Heart,” ang paggawa naman daw ng pelikula ang susunod na pagkaka-abalahan ni Gabbi

“Ang next ko po, magpi-film po ako, pero, hindi pa po pwedeng sabihin. Later part pa po ‘yon,” nakangiti niyang sabi.

Samantala, ang proyektong pagsasamahan sana nila ni Jericho Rosales sa unang pagkakataon ay hindi na raw talaga matutuloy. Nanghinayang daw siya rito.

“Hindi na raw talaga, e. Siyempre, nalungkot kasi na-feel mo na, e,” sabi niya.

“Pero, feeling ko rin talaga, may rason ang lahat and I believe in perfect timing. For sure may reason.

“I’m okay, I’m okay… I’m not devastated. I’m sad but I’m not devastated.”

Magtatapos na ang “Unbreak My Heart” sa Huwebes, November 16, sa GMA Telebabad, with a 48-hour advanced screening sa VIU.

Words Tamar Ysabel
Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.