Vice says, “I couldn’t do three shows anymore”
Tatlong taon na mula nang tumigil sa pag-ere ang late-night comedy show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice (GGV),” ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring viewers ang nagtatanong kung magbabalik pa ito sa telebisyon.
IMAGE: praybeytbenjamin on Instagram
Ito ang sinagot ni Vice sa kanyang X (formerly Twitter) account noong October 22, matapos na magtanong ang isang netizen, “What’s stopping ABS-CBN para ibalik ang GGV? Super entertaining ng GGV huhu.”
Sa sagot ni Vice, sinabi niyang inalok siyang gawin ulit ang programa—ngunit hindi na raw niya kayang humawak ng sabay-sabay na proyekto.
Saad niya (published as is), “I was actually asked by the management when I signed my new contract if I wanted to do ‘GGV’ again. I couldn’t do 3 shows anymore.
“Baka pagtapos ng ‘Everybody Sing’ let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lng. Di ko na keri ung another 10 years.”
I was actually asked by the management when i signed my new contract if i wanted to do GGV again. I couldnt do 3 shows anymore. Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lng. Di ko na keri ung another 10 years. https://t.co/4VgmUvhswH
— jose marie viceral (@vicegandako) October 21, 2023
Isang netizen naman ang nagtanong na: “Akala ko meme naubusan na kayo ng i-guguest.”
Bagama’t may katotohanan daw dito, ikinatuwa ni Vice ang posibilidad na pwede na silang tumanggap ng guests mula sa GMA-7 ngayong “sanib pwersa” na ang Kapuso at Kapamilya networks.
Pag-amin ng komedyante, “Actually true to. Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off. Pero ngayon mukhang mas malalim na balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully).”
Actually true to. Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya i decided to sign off. Pero ngayon mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully). https://t.co/DaT6qbfXZo
— jose marie viceral (@vicegandako) October 21, 2023
Nang tanungin siya ng isang netizen kung sino ang gusto niyang i-guest sa pagbabalik ng “GGV,” sinabi ni Vice na gusto niyang i-guest ang international pop star na si Britney Spears.
Vice Ganda says “GGV” is easier to do than “Everybody Sing”
Sa joke na binitawan ng isang netizen, sinabi nitong mas madali raw i-shoot ang “GGV” kumpara sa “Everybody Sing,” kung saan kailangan ni Vice mag-interview ng isang daang contestants.
Saad ni Vice, “Sa totoo lang! And sa ‘GGV’ nakaupo lang ako most of the time tapos tawa lang ng tawa. Nakakapagod ng malala ang ‘Everybody Sing’ pero it’s all worth it kasi ang objective ay di lang entertainment kasama na din ang public service.”
Sa totoo lang! And sa GGV nakaupo lang ako most of the time tapos tawa lang ng tawa. Nakakapagod ng malala ang Everybody Sing pero it’s all worth it kasi ang objective ay di lang entertainment kasama na din ang public service. https://t.co/hu888huvjX
— jose marie viceral (@vicegandako) October 21, 2023
Kasabay ng pagsagot at pakikipagbiruan niya sa mga netizen, nagpahayag din siya ng appreciation sa kanyang home network sa pagbibigay ng programang naaalala at tumatatak sa masa.
“Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang ‘GGV’ bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. ‘It’s Showtime,’ ‘GGV,’ and ‘Everybody Sing.’ Thank you ABS-CBN.”
Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN.
— jose marie viceral (@vicegandako) October 21, 2023
Kasalukuyang nasa bakasyon si Vice kasama ang ilang co-hosts sa noontime program na “It’s Showtime.”
Ito ay matapos na patawan ng 12-day suspension ang programa. Sa ngayon ay ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano ang umeere sa oras ng “It’s Showtime.”
READ ALSO: Vice Ganda Reveals Some Of Ion Perez’s Sources Of Joy
Banner Art Dani Sison