Vice Ganda, Vhong Navarro Air Sentiment About Making People Happy

Vice Ganda: “Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino, pero lately, ang hirap niyo ring pasayahin”

Naglabas ng hinaing ang “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro tungkol sa estado ng paggawa ng comedy ngayon, partikular na kung gaano kahirap magpatawa sa kabila ng bashing at kritisismo. 

Nagpakitang-gilas ang “It’s Showtime” hosts na si Vhong kasama ang kanyang teammates na sina Teddy Corpuz, and Jugs Jugueta sa kanilang “Magpasikat” number noong Lunes, November 6, 2023. 

Teddy Corpuz, Vhong Navarro, and Jugs Jugueta
Teddy Corpuz, Vhong Navarro, Jugs Jugueta
Screengrab from ABS-CBN Entertainment YouTube Channel

Gamit ang Artificial Intelligence ay muli nilang dinala sa entablado ang alaala ng ilan sa mga tanyag na komedyante, kabilang si Babalu, Redford White, at ang “Comedy King” na si Dolphy. 

READ ALSO: Team Vhong Resurrects Comedy Legends Through AI On “It’s Showtime

Matapos ang isang emosyonal na performance, nagpayahag si Vice at Vhong ng kanilang saloobin tungkol sa comedy entertainment noong araw at kung gaano na ito nag-iba paglipas ng panahon. 

Ani Vice, “Noong panahon nila, mahirap nang magpatawa. Pero grabe ‘yung hirap na magpatawa ngayon.

“Minsan, ‘pag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko, ‘Nakakatawa ‘yan, ‘no? Pa’no ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa akin? Paano ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan?’”

Dagdag pa ni Vice, “Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino, pero lately, ang hirap niyo ring pasayahin. Ang hirap niyong pasayahin. Konting kibot, mayroong pangit na reaksyon. Ang hirap, hirap magpatawa ngayon.” 

Ito rin ang naging sentimyento ni Vhong. Ayon sa kanya, hindi raw masyadong naa-appreciate ng mga tao ang mga biro ngayon dahil “corny” na ang dating. 

Saad ni Vhong, “Ang hirap magpatawa, e, lalo na ngayon. Kasi ‘yung mga patawa noon nagiging paulit-ulit na. Ngayon, parang ‘pag ginagawa mo ‘yun, ang dating sa iba corny na.”

Inihalintulad niya rin ang pagpapatawa sa pag-iyak—dalawang bagay na sa tingin niya ay hindi nabibigyan ng magkaparehong trato. 

“Kasi ‘pag sinabing umiiyak ka, ang galing. Pero ‘pag nagpapatawa ka, nagpatawa ka na at hindi siya nag-react, corny ka. So, parang ang comedians, ang daling ma-bash agad,” dagdag ni Vhong. 

Vice Ganda airs words of appreciation to Vhong, Jugs, and Teddy 

Vice Ganda
Vice Ganda
IMAGE: praybeytbenjamin on Instagram

Bilang isang komedyante, sinabi ni Vice na mahalaga para sa kanya ang naging performance ni Vhong, Jugs, and Teddy. 

“Personally, I want to say thank you to your group. Mahalaga sa akin ‘yung pinakita niyo kanina,” saad niya. 

Kaugnay nito ay humiling din ang komedyante na sana ay “naa-appreciate natin lahat ng klase ng entertainers sa panahong naririnig at nararamdaman pa nila, hindi ‘yung wala na [sila].” 

Kakabalik lamang ng programang “It’s Showtime” sa noontime block nito, matapos itong patawan ng labing-dalawang araw na suspensyon na nagsimula noong October 14. 

Sa kasulukuyan ay nagdiriwang ng 14th anniversary ang “It’s Showtime” sa pamamagitan ng taunang Magpasikat, kung saan naglalaban-laban ang hosts sa pamamagitan ng mga pasabog na performances.

Late celebration na ito dahil naabutan ng suspension ang supposed anniversary date nila noong October 24.

READ ALSO: Is Michael V. Hinting At Possible Collaboration With Vice Ganda?

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.