Allen Ansay Bares Reason Behind Instagram Gym Photos

Allen has been working out for nine months already!

Masigasig ngayon ang Sparkle artist na si Allen Ansay pagdating sa pagwo-workout. Kapansin-pansin sa kanyang Instagram ang napapadalas na pagpunta ni Allen sa gym.

Kaya naman tinanong siya ng FreebieMNL kung ano ang dahilan sa pagpapaganda niya ng katawan sa katatapos lamang na online media conference ng “Sparkle U: Ghosted” noong November 22, 2023.

Allen Ansay
Allen Ansay
IMAGE: itsmeallenansay on Instagram

Ayon kay Allen, may pinaghahandaan daw silang proyekto ngayon ng kanyang ka-love team na si Sofia Pablo.

Sagot ni Allen, “Actually, opo, talagang may pinaghahandaan po kami and bago na naman ito sa character namin.”

Dagdag pa niya, “Before talaga, wala pa sa isip ko yung mag-work out, mag-diet. Pero ngayon, almost nine months na rin akong naghahanda para sa work ko na ‘to. 

“And we’re very thankful na pinagkatiwalaan ulit kami [ni Sofia] ng napakagandang project na ‘to. Next year na po yan!”

Allen Ansay and Sofia Pablo talk about taking more mature roles 

Bukod sa pagpapaganda ng katawan, tila papasok na sina Allen at Sofia sa mas mature na mga roles kumpara sa mga dati nilang pinagbidahang palabas.

Kasama na nga diyan ang role na ginagawa nila sa “Ghosted,” ang ikalawang installment ng bagong teen drama anthology ng GMA-7 na “Sparkle U.”

Ani Allen, “Yun po, parang naging way din po kasi ‘tong ‘Sparkle U: Ghosted’ para masanay kami ni Direk Barry [Gonzalez] na maging matured kami. Parang ‘yun po, yung maturity ng character, maturity ng role na gagampanan namin.  

“So, parang kailangang medyo magpaganda ng katawan, mag-aral ng actions, siyempre mas maging handa para dun.” 

Natawa naman si Sofia nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong gumaganda na ang katawan ni Allen. 

Sagot ni Sofia, ”Ano po, okay naman. Okay, okay, kasi minsan po, ako pa po yung nagpi-picture pero hindi ko naman po kasi mina-mind since hindi naman yun yung one of the main reasons kung bakit ko siya nae-enjoy kasama. 

“Kumbaga, nakilala ko po siya, we were so young, simula pa. So, pag nakikita ko po siya na ganun, parang, ‘Oh!’

“Ako pom natatawa lang ako pero personally, ‘Wow, iba na si Allen.’ Pero ako po, I don’t mind.”

Screenshot 2023 12 07 125332
Sofia Pablo, Allen Ansay
IMAGE: itsmeallenansay on Instagram

Inilahad din ni Sofia kung paano siya naghahanda sa parating na proyekto kasama ang kanyang on-screen partner.

Aniya, pareho lamang ang kanyang ginagawa—nagpapaganda rin daw siya ng katawan pero mas pinagtutuunan niya raw ng pansin ang kanyang immunity. 

Maliban daw sa pag eensayo upang maging “toned” ang kanyang katawan ay kailangan din daw niyang mapatatag ang immune system niya bilang requirement daw yun ng proyektong pagbibidahan nila. 

Ang “Sparkle U: Ghosted” ang sumunod na proyekto nina Allen at Sofia pagkatapos ng “Luv Is: Caught In His Arms.”

Kasama rin sa “Ghosted” sina Princess Aliyah, Marco Masa, at Rufa Mae Quinto at napapanood ito tuwing Linggo, 5:55 p.m. sa Best Weekend Ever block ng GMA-7.

READ ALSO: Sofia Pablo, Allen Ansay: Young Love

Banner Art Dani Sison  

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.