Dimples Romana Says Angel Locsin Is “Happily Living” Married Life Amid Hiatus

Dimples Romana says Angel Locsin is “very much aware” that people are looking for her

Masayang masaya si Dimples Romana para sa kaibigang si Angel Locsin na ngayon ay hindi muna aktibo sa showbiz at sa social media.

Sa katunayan, kakabisita lang daw niya kay Angel at dito niya nakita kung gaanong “happy and light” ang kaibigan.

Naibahagi ito ni Dimples nang makapanayam siya ng FreebieMNL at iba pang entertainment reporters noong Lunes, October 23, sa launch ng kanyang sariling skincare line, ang Dreamcake, sa SEDA Hotel, Quezon City.

Natanong kasi ng FreebieMNL kung sinu-sino ang mga kaibigang nag-congratulate sa kanya sa bagong milestone na ito ng kanyang buhay. Isa nga raw dito si Angel na nakita niya lang kamakailan.

Kaya naman kinamusta na rin ng press si Angel sa kanya.

Sabi ni Dimples, “Oh my, God. Si Gel, alam mo, hindi porke’t hindi niyo siya nakikita online, she is missing. Especially in my life, she’s ever present.

“In fact, kapag tinatanong niyo nga lang ako, doon ko lang naiisip na, ‘Oo nga pala, hindi siya nagpapakita sa lahat.’ Pero kasi, I’m happily, fortunately happy to see her, I just have to visit her kasi she’s there at home.”

In-assure naman ni Dimples ang press at ang publiko na masaya si Angel sa kanyang kinalalagyan ngayon, lalo na pagdating sa kanyang married life.

Kinasal si Angel noong 2021 sa filmmaker na si Neil Arce.

Patuloy ni Dimples, “But I will tell you, she’s so happy, she’s very light. She’s very giddy when I talk to her, she’s so happy. I love this side of her and if you miss her, please know that she’s doing very well. She’s happily living her married life with Neil.”

Angel Locsin, Dimples Romana
Angel Locsin and Dimples Romana
IMAGE @dimplesromana on Instagram

What happened when Dimples visited Angel?

Natatawa namang ikinuwento ni Dimples ang ilan sa mga nangyari nang huli niyang binisita si Angel.

Ayon sa kanya, naliligo raw si Angel nang dumating siya sa bahay. Kilala si Angel bilang matagal maligo at talagang nagbababad sa banyo.

Lahad ni Dimples, “Nakakatawa kasi pagdating ko pa sa bahay nila, si Gel talaga, kasi kilala niyo siya, di ba, pag nagbabanyo siya, ang tagal! Matagal siya talaga, hours siyang nandodoon, naliligo.

“So, kami ni Neil muna yung nag-bonding hanggang sa kailangan ko nang umalis, so sabi ko sa kanya, ‘Mars, ano, lalabas ka ba o aalis na ako? ‘Hindi, hindi. Lalabas ako.’

“Akala ko kasi mag-uusap lang kami sa pinto, e! So, she came out and I’m always so happy to see her kasi isn’t that a dream of ours to just stop with social media, live a life that is simple and comfortable and happy?

“Somewhat detached ka from the world minsan, kasi the way we consume our social media also gets to us, e. Minsan kaya nga tayo nagkakaroon ng anxiety because we consume so much, we’re unable to control ourselves.”

Masayang-masaya raw si Dimples para kay Angel na maganda ang naidulot kay Angel ng pagde-detach niya pansamantala sa publiko.

“I’m so happy that Gel came to a point, of course with the help of Neil, to just detach for a little bit.

“It’s done her very very well, she’s asking me about the things that are happening in my life now kasi hindi rin siya sumasagot sa phone, by the way. It’s an old school kind of visiting, yung tipong di pa uso mga telegrama, pupunta ka lang sa bahay.”

READ ALSO: Why Is Angel Locsin Not Posting On Her Socials Lately?

When is Angel coming back?

Ayon pa kay Dimples, alam raw ni Angel na hinahanap siya ng publiko sa gitna ng kanyang hiatus.

Sabi ng Kapamilya actress, “She’s very much aware. And she’s very much happy you’re all looking for her, it’s touching her heart.

“Yun lang pero kasi ang saya di ba, don’t we all love that? Na grabe, huwag na muna ako mag-social media tapos dito lang muna ako, di ba, ang saya? Kung may ganun din akong luxury, bakit hindi? Kaya lang di pwede mahal ang paglipad ni ate sa Australia!”

Kasalukuyang nag-aaral ng pagpipiloto ang panganay na anak ni Dimples na si Callie sa Australia.

Natanong ba ni Dimples kung kalian balak bumalik ni Angel sa social media o sa showbiz?

Diretsahang sagot niya, “No. Parang it’s not something I wanna ask of her also kasi she’s so happy, e.

“Di ba, kapag kaibigan ka and you see your friend happy, bakit ko naman siya idadamay pa na halika dito, damay damay tayo?

“Gusto ko nga, ako na yung idamay niya don! Gusto ko nga sabihin niya sa akin dito ka muna. Pero hindi niya gagawin kasi ang daldal ko! Siyempre ayaw niya ng makulit don, gusto niya ako in small dosages lang.”

Matagal nang magkaibigan sina Dimples at Angel. Isa si Dimples sa unang nakatrabaho ni Angel nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2007 at gumanap sila bilang mag-bestfriend sa teleseryeng “Lobo” na umere noong 2008.

Mula dito, napanatili na nina Dimples at Angel ang kanilang pagkakaibigan.

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.