Heart Evangelista Asked About Renewed Friendship With Marian Rivera: “We’ve Always Liked Each Other”

Heart Evangelista on rekindled friendship with Marian Rivera: “It’s a testament that it’s really the people around us that make things bad”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Heart Evangelista tungkol sa rekindled friendship nila ng kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera.

Unang nagsalita si Heart sa panayam sa kanya ng media—kabilang na ang FreebieMNL, sa Zalora 11.11 Sale party noong Biyernes, November 10 sa The Lounge, Bonifacio Global City.

Natanong kasi si Heart ng GMA Integrated News reporter na si Aubrey Carampel tungkol sa naging pag-follow-an at exchange of comments nila ni Marian sa Instagram.

READ: Marian Rivera, Heart Evangelista Exchange Comments On Instagram

Ayon kay Heart, nag-umpisa ang kanilang reconnection dahil sa kapatid niyang si Camille Ongpauco. Magkasama kasi sa community school ang kanilang mga anak.

Sabi niya, “My sister is…magkasama sila sa community school. So, matagal na silang nag-uusap, and we have a lot of common friends.”

Paliwanag ni Heart, sinasadya niyang hindi muna magpa-interview o magsalita tungkol sa kanilan renewed friendship dahil ayaw niyang magmukhang “publicity” lamang ito.

“Hindi lang kami… Ako, hindi ako personally nagpapa-interview, kasi I don’t want it to be anything that’s for publicity because something like that should be from your heart.”

“Real queens support each other”

Sabi pa ni Heart, noon pa naman daw ay gusto na nila ang isa’t isa subalit ang mga nasa paligid lang nila ang maaaring nagpalaki ng naging gap nila.

Patuloy niya, “And you know, Marian and I, we’ve always liked each other. And it’s a true testament that, you know, we should always be supporting each other because real queens support each other.

 “And you know, it’s a testament that it’s really the people around us that make things bad.

“To begin with, we’ve always been okay. Mahal mo siya. Mahal mo ako. Ibig sabihin, okay kaming dalawa as individuals. I guess it’s just a matter of time.”

Magaganda rin ang mga binitawang salita ni Heart tungkol kay Marian.

Paglalarawan niya rito, “Honestly, I really appreciate her. She has a very strong character. But I really appreciate her kindness and…just her heart.”

Nang tanungin si Heart kung nagkakausap talaga sila ni Marian, tumango ito ng nakangiti at sinabing, “Just nice. I like it, too. Ayoko na ng kaaway, honestly.

“I guess that’s something to remind us na yung away natin sa mga ibang tao na nakakasalamuha natin sa buhay natin, sometimes the person’s not the real enemy. It’s the people around that make it worse. So, I’m happy.”

Ito na rin ba ang pagkakataon para muli silang magkasama sa isang proyekto? “Well, I don’t know. Siya kasi, busy din siya,” sagot ni Marian.

Pero muli niyang pagdiin: “I think, for me, what’s important is, in the real world, we’re okay. And that’s the real truth.”

Heart Evangelista-Marian Rivera history

Unang nagkasama sina Heart at Marian sa pelikulang “Temptation Island” noong 2011. Naging magkakaibigan sila ng iba pa nilang kasamahan na sina Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, at Solenn Heussaff habang ginagawa ang pelikulang ito.

Subalit nabahiran ito ng kontrobersiya ng pagbalik nila mula sa shooting ay naibalitang nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Marian at Heart.

Mula nito, hindi na nakitang nagkasama ang dalawa sa isang proyekto. Pero minsan na ring nagkasalubong ang dalawa sa tribute para sa Comedy King na si Dolphy noong 2012, at dito raw ay nagkaayos ang dalawa.

Subalit hindi pa rin natigil ang pagsasabong sa dalawa.

Noong nakaraang buwan, ikinagulat ng marami ang pag-follow nila sa isa’t isa sa Instagram. Nasundan pa ito ng ilang pagla-like ng posts ng isa’t isa at pagkokomento ng heart emojis.

Ikinatuwa naman ito ng fans ng dalawa. Sabi pa ng ilan, “The world is healing” dahil sa pagbabati nila.

READ: Marian Rivera, Heart Evangelista Follow Each Other On Instagram

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.