James Reid, Issa Pressman Back To Being Instagram Mutuals After Unfollowing Each Other

It seems like things are well between James and Issa!

Naging matunog ang couple na si James Reid at Issa Pressman nitong Sabado, November 11, matapos mabatid ng ilang netizens na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram. 

May ilang netizens din ang nag-comment na “better” daw para kay James kung totoong hiwalay na nga sila ni Issa. Dagdag pa rito ang buhos ng bashing sa girlfriend niya.

download 5
download 2 2
download 1 2

Sari-saring espekulasyon ang lumabas mula sa isyu, kabilang na nga ang pagdududang hindi talaga naghiwalay ang dalawa at parte lamang daw ito ng gimmick ni James para sa bago niyang kanta. 

download 3 2

Hindi pa man nagsasalita ang dalawa tungkol sa isyu ay mukhang maayos naman ang lagay ng kanilang relasyon.

Ito’y matapos nilang i-follow ulit ang isa’t isa sa Instagram noong Sabado, November 12. 

James Reid and Issa Pressman’s romance 

Nakumpirma ang relasyon nina James at Issa matapos ang ilang larawang ibinahagi nila mula sa naganap na concert ng international singer na si Harry Styles sa Philippine Arena noong March 14, 2023. 

Makikita sa mga video ni James na masaya silang nagja-jam ni Issa sa kanta ni Harry na “Watermelon Sugar” sa concert. 

Dagdag pa rito ay nag-post din si Issa ng mirror selfie, kung saan makikitang magka-holding hands sila ni James. 

Nito lamang nagdaang Preview Ball sa Marriott Hotel, Pasay City noong September 8, 2023 ay sinabi ni James sa isang panayam sa PEP.ph na “very in love” at “very happy” siya sa girlfriend niya. 

Dagdag pa niya, “Six months ago, we just really clicked and, you know, we’re very happy. It’s been a crazy six months, roller coaster but super happy. “ 

James Reid and Issa Pressman
Issa Pressman, James Reid
IMAGE: james on Instagram

Bago ang relasyon ni James kay Issa ay nauna niyang naging girlfriend si Nadine Lustre, na ngayon ay masaya na rin sa kanyang kasintahang si Christophe Bariou—isang French-Filipino businessman na nakatira sa Siargao. 

READ ALSO: Ex-Lovers James Reid, Nadine Lustre Reunite At Gucci Store Launch

Banner Art Dani Sison

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.