Jomari Yllana, Abby Viduya Tie The Knot In Las Vegas

Jomari and Abby fell out, got reconnected in 2015, and got married in 2023!

Tatlong buwan matapos ma-engage sa isa’t-isa, ikinasal na ang magkasintahang sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa Las Vegas, Nevada, USA noong Linggo, November 5. 

Ibinahagi ni Abby sa kanyang Facebook account ang ilang larawan mula sa kanilang civil wedding. 

Suot ni Abby ang isang rustic, old-rose wedding gown habang si Jomari naman ay makikitang nakabihis ng classic na itim na tuxedo suit. 

Isa sa mga saksi sa seremonya si Andre Yllana—anak na lalaki ni Jomari sa kaniyang dating asawang si Aiko Melendez. 

Nitong August 2023 ay nag-propose si Jomari kay Abby habang sila ay nasa Hong Kong. Bukod sa selebrasyon, ang couple ay nakatakdang magpakasal sa simbahan sa susunod na taon, 2024. 

READ ALSO: Jomari Yllana and Abby Viduya Are Now Engaged

Jomari Yllana and Abby Viduya’s romance 

Higit tatlumpung taon na nang magkaroon ng pagtitinginan si Jomari at Abby sa set ng pelikulang “Gwapings: The First Adventure: noong 1992. Sa kabila nito, hindi natuloy ang kanilang pag-iibigan.

Jomari Yllana and Abby Viduya
Abby Viduya, Jomari Yllana

Taong 2015 lamang nang muling magkrus ang kanilang landas, ayon sa pahayag ni Jomari sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda.” 

Ayon kay Jomari, napagpasyahan niyang kumustahin si Abby, at nahanap niya nga ito sa Facebook kung saan sila nagkausap bilang magkaibigan. 

Noong mga panahong iyon, nasa kanya-kanya pang relasyon ang dalawa. Nang mahiwalay sila sa kanilang mga dating asawa, naging malapit sila sa isat-isa at nabuo ang kanilang pagmamahalan. 

Kilala si Jomari bilang isa sa mga miyembro ng 1990s teen group na Gwapings, kasama si Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jao Mapa. 

Si Abby naman ay mas kilala sa screen  name na Priscilla Almeda na bumibida sa mga sexy films noong ‘90s, gaya ng “Sariwa” at “Machete II.” 

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.