Sarah Lahbati Avoids Answering Question About Real Status With Husband Richard Gutierrez

Who is Annabelle alluding to her post about a “devil woman?”

Naging mailap si Sarah Lahbati sa pagsagot tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng asawang si Richard Gutierrez matapos pumutok ang balitang hiwalay na sila. 

Tila iwas si Sarah na paunlakan ang ilang “personal” na katanungan sa katatapos lamang na story conference ng bago niyang series, ang “Lumuhod Ka Sa Lupa,” noong Sabado, December 9. 2023. 

Sarah Lahbati
Sarah Lahbati
IMAGE: sarahlahbati on Instagram

Nagkaroon ng pagkakataon ang TV5 reporter na si MJ Marfori na kumustahin si Sarah ngayong nagbabalik na siya sa pag-arte. Ngunit nang matunugan ni Sarah na tatanungin siya tungkol sa kinakaharap na isyu ay agad niyang iniwasang mag-komento. 

Saad ni Sarah sa panayam ng TV5, “I rather not comment on anything personal if that’s what you’re asking dahil ‘Lumuhod Ka Sa Lupa,’ malapit na.”

Dahil dito, tinanong na lang si Sarah tungkol sa plano niya ngayong Pasko.

Sabi niya, “Even if I’m working, I’m still gonna be hands-on with the kids and make sure we have good Christmas.” 

Masisiguro niya raw ito sa pamamagitan ng self-love dahil, sabi niya, “If you wanna be able to take care of your kids the best way you can, you have to take care of yourself the best way you can also.” 

READ ALSO: Sarah Lahbati, Richard Gutierrez’s Recent Photos Spark Breakup Speculations From Netizens

Annabelle Rama’s confirmation

Nito lamang Biyernes, December 8, ay kinumpira ng ina ni Richard na si Annabelle Rama na may pinagdadaanan ang relasyon ni Sarah at Richard. 

Parte ng pahayag ni Anabelle ay ang pahapyaw na kumpirmasyon na hiwalay na ang dalawa.

Ngunit, inulit niya na wala siyang kinalaman dito sa kabila ng bintang na nakararami na nakikisawsaw siya sa relasyon ng anak. 

Saad niya, “Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina?”

Sa parehong post ay sinabi niyang hindi raw muna siya pwedeng magsalita bilang advice ng kanilang lawyer. Pero kung pwede raw siyang magkomento ay tiyak na mag-eenjoy ang buong mundo. 

Sa huli, sinabi ni Annabelle na labag sa loob niya na maghiwalay si Sarah at Richard, dahil mahal niya raw ang mga apo niya. 

Ilang araw ang nakalipas ay sinundahan ito ni Annabelle ng ilang maanghang na patutsada sa hindi pinangalanang “devil woman.” 

Saad niya sa Facebook nitong Linggo, December 10, “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.

“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan niyo kung sino ang tinutukoy kung babae sa na DEVIL WOMAN.” 

READ ALSO: Sarah Lahbati Removes “Gutierrez” From Her Instagram Bio

Sarah Lahbati’s father subtly speaks up amid controversy

Samantala, noong December 8 din, nag-post ang ama ni Sarah na si Abdel Lahbati ng picture kasama ang kanyang asawa, si Sarah, at ang mga apo na si Zion at Kai.

Napansin naman ng netizens ang malamang caption ni Abdel.

Saad niya, “Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind the dogs barking.” 

Mabilis naman itong iniugnay ng netizens kay Annabelle, matapos ang mga itong mag-komento patungkol sa isyu. 

At press time, wala pa ring opisyal na pahayag si Sarah at Richard tungkol sa kanilang speculated na hiwalayan.

Banner Art Dani Sison

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.