Netizens are eager to know what happened to Sarah and Richard’s relationship
Hiwalay na nga ba sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez?
Ito ang tanong ng mapanuring netizens matapos nilang mabatid na wala si Richard sa mga larawang ini-upload ni Sarah sa kanyang Instagram account.
Ito rin ang naging konklusyon ng netizens sa Instagram post ni Richard, kung saan makikitang tanging mga anak lamang nila na si Zion at Kai ang ka-bonding ng actor sa swimming pool.
Ayon sa kanilang captions, mukhang magka-hiwalay na nag-celebrate ang mag-asawa ng Halloween.
“Kicking off the Halloween Weekend,” saad ni Richard sa post.
Samantalang ibinida naman ni Sarah ang dalawang anak na suot ang Samurai costumes nila. Ang caption—”Ninja Sandwich.”
Mabilis na dumagsa ang tanong sa post ni Sarah, kung saan tinanong ng karamihan kung nasaan ang asawang si Richard. Ganun din sa post ni Richard na umani ng ilang katanungan kung nasaan nga ba si Sarah.
Richard Gutierrez graces the Opulence Ball Without Sarah Lahbati
Ayon pa sa ilan, hindi rin daw namataan si Sarah sa Opulence Ball 2023 na in-organize ng kapatid ni Richard na si Raymond Gutierrez. Ang nasabing pagtitipon ay ginanap sa Taguig noong Martes, October 31.
Dumalo ang pamilya ni Richard, kabilang na ang mga magulang nila na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Namataan din sa event ang nakatatandang kapatid ni Richard at Raymond na si Ruffa at anak nitong si Venice Gutierrez-Bektas.
Noong October 11, wala rin si Richard nang ipagdiwang ni Sarah ang kanyang ikatatlumpung kaarawan sa Siargao kasama ang kanilang mga anak.
IMAGE: sarahlabahti on Instagram
Sa kabila ng tumitinding espekulasyon sa kanilang relasyon, nag-share naman si Sarah ng mga larawan mula sa event na dinaluhan nila ni Richard noong October 28. Makikita sa larawan na magkatabi ang dalawa.
Lumabas din si Sarah bilang guest star sa final episode ng “The Iron Heart” noong October 13.
IMAGE: Vito Selma on Facebook
Sa kaslukuyan, pareho pang tikom ang bibig nina Richard at Sarah sa mga espekulasyon ng netizens.
Pitong taon ng magkarelasyon si Sarah at Richard. March 2020 naman ng magpakasal ang dalawa.
Ipinanganak nila ang panganay na si Zion noong 2013 at ang pangalawang anak naman na si Kai noong 2018.
READ ALSO: Here Are The Kapamilya A-Listers Who Walked Solo On The ABS-CBN Ball 2023 Red Carpet
Banner Art Paulo Correa