Sharon has one request for people who find pleasure in hurting the feelings of her family
Nakiusap ang “Megastar” na si Sharon Cuneta sa mga tao na tigilan na nila ang paggawa ng away sa pagitan ng kanyang mga anak na sila KC Concepcion, Miel at Frankie Pangilinan, at adopted son na si Miguel.
Sa inilabas na larawan ni Sharon sa Instagram, makikitang masaya ang kanilang pamilya ng dating senador na si Kiko Pangilinan na kumakain ng dinner. Kasama nila ang kanilang anak na si Miel at Miguel.
Kuha ang larawan noong October 29 nang mag-celebrate si Miguel ng kanyang ika-labing-apat na kaarawan.
Saad ni Sharon sa caption, missed na raw niya ang dalawa pa niyang anak na si Kakie at KC. Pero sa kabila nito, masaya pa rin siya na makasama ang ibang miyembro ng pamilya ngayong busy siya sa Dear Heart concert nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.
Dagdag pa niya, simula raw ngayon ay sa personal na lang niya i-eere ang mensahe niya sa mga anak tuwing kaarawan nila. Ito ay upang hindi na magkaroon ng gulo at pagdaramdam ang kanyang mga anak sa tuwing babatikusin sila ng mga trolls online.
“From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang.”
Pakiusap pa ni Sharon, “To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity.”
Inamin niya ring nahihiya siya sa mga anak niya sa sitwasyon nila ngayon, at nasasaktan din siya sa kadahilanang napapasali ang kanyang mga anak “just because I’m their mommy.”
Sa huli, hiling ni Sharon, “Please kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok.”
Sharon Cuneta gets a nod from family to do concert with Gabby Concepcion
Sa parehong Instagram post na inilabas ni “Megastar,” ibinida niyang all-out ang suporta ng kanyang asawang si Kiko at mga anak nila sa kanyang concert kasama ni Gabby,
IMAGE: reallysharoncuneta on Instagram
Ayon pa sa kanya, pamilya niya ang unang taong nagpaabot ng pagbati matapos ang kanilang show sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong October 27.
Maaalalang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Kiko, Frankie, at panganay na anak ni Sharon kay Gabby na si KC.
Pumutok ang isyu ng kanilang hindi pagkakaunawaan matapos makita ng mga netizens na hindi na nito pina-follow ang stepfather na si Kiko at half-sister na si Frankie sa Instagram.
Sa isang interview kasama si Cristy Fermin at Romel Chika ng One PH, sinabi ni KC na ayaw na niya ng maraming drama sa buhay, kung kaya’t pinili na lang niyang mag-detach sa “complicated” setup ng kanilang blended family.
READ ALSO: Sharon Cuneta Breaks Silence On Issue About Daughter KC Concepcion
Banner Art Dani Sison