Bianca Umali’s “Sang’gre” Portrayal Gets A Nod From “Encantadia” Cast

Bianca: “The way I’m preparing for this is as if I’m preparing for a Marvel movie”

Bumuhos ang suporta ng ilan sa mga naging cast ng GMA-7 series na “Encantadia” matapos ang announcement na si Bianca Umali ang isa sa magiging bida nito ng spin-off nito na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Bianca Umali as Terra in "Sang'gre"
Bianca Umali
IMAGE: bianxa on Instagram

Sa panayam kay Bianca ng “24 Oras” noong Lunes, October 23, kinumpirma ng Sparkle artist na siya ang na gaganap bilang Sang’gre Terra—ang anak ni Sang’gre Danaya.

Si Danaya ay ginampanan ni Diana Zubiri sa orihinal na series at Sanya Lopez naman sa remake.

Kasabay nito, sinabi rin ni Bianca na siya na ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa—isang fictional na talisman sa kwento. 

Naglabas din ng teaser si Bianca sa kanyang Instagram account. Saad niya sa post, “Ang kapangyarihan ng pangarap at paniniwala… Sa wakas… Mula sa bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa- AVISALA.”

Dumagsa ang suporta ng kanyang mga tagahanga sa comments section.

Kabilang nga dito ay ang pagbati mula sa mga dati nang nagbida sa “Encantadia” na sina Iza Calzado, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.

Screenshot 2023 10 24 162320

Gumanap na Sang’gre Amihan si Iza sa 2005 version habang si Kylie naman ang napili para sa remake-sequel nito na umere noong 2016.

Nauna nang inilunsad ang aktres bilang parte ng spin-off nang ilabas ni Direk Mark Reyes ang concept art ng “Sang’gre” sa nagdaang San Diego Comic-Con in July.

Noong panahong iyon, hindi pa tiyak sa publiko kung ano ang karakter niya, maliban sa siya ay anak ni Sang’gre Danaya.

Nauna nang inanunsyo ang “Sang’gre” sa omnibus plug ng GMA-7 noong 2022 para sa mga bago nitong programa.

Sa panayam naman ng PEP.ph sa creator ng “Encantadia” na si Suzette Doctolero, ang “Sang’gre” ay isa sa bahagi ng “Encantadia Chronicles,” kung saan may plano silang mag-launch ng iba’t ibang kwento na iikutan ng Encantadia universe.

Dagdag pa niya, aangkla ang kwento sa 2016 version.

Bianca Umali’s preparation 

Samantala, sa interview ni Bianca sa “24 Oras,” inamin niyang may kasamang pressure nang tanggapin niya ang proyektong “Sang’gre.

Pero ipinahayag din niyang gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang karakter. 

Sambit pa niya, “The way I’m preparing for this is as if I’m preparing for a Marvel movie. Ganoon ko po siya pinaghahandaan. 

“I am preparing my physique for it, I’m preparing my skills for it, and I have been studying everything about ‘Encantadia.’” 

Dagdag pa niya, “Hindi ko hiniling pero pinagkaloob pa rin sa akin. That’s why I’m very thankful. I assure [fans] that they will not be disappointed, I will not fail anyone.” 

Si Bianca ang kauna-unahang cast ng spin-off na ipinakilala sa publiko. Ayon sa naglabasang balita, last quarter of 2024 nakatakdang umere ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

READ ALSO: Is GMA’s “Encantadia” Really Getting A Korean Adaptation?

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.