Boy Abunda Shares Details About His Reunion With Kris Aquino

Boy encourages an ailing Kris to get better so they may produce a show together in the future

Ikinuwent ng “King of Talk” na si Boy Abunda ang mga nangyari sa kanyang naging reunion sa actress-TV host na si Kris Aquino sa tahanan nito sa Orange County, Los Angeles California noong October 27, 2023. 

Sinimulan ni Boy ang episode ng kanyang flagship show na “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, November 7, sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga nangyari noong binisita niya ang matalik na kaibigan. 

Boy Abunda and Kris Aquino
Boy Abunda, Kris Aquino
IMAGE: krisaquino on Instagram

Ayon kay Boy, masasabi niyang “happy, beautiful” reunion ang naging pagkikita nila ni Kris, at inamin din nila sa isa’t isa na emosyunal ang muli nilang pagkikita. 

“Tatanggapin ko po, ako’y naging emosyunal. Sinabi rin naman po ito ni Kris. I was emotional. Pinipigilan ko pong hindi umiyak, pero naiyak ho ako. Na-miss ko si Kris, but we had a nice interaction. We had a nice conversation,” salaysay ni Boy. 

Sa pagbisita ni Boy ay sinabi niya ring naantig ang anak ni Kris na si James “Bimby” Yap, na inaanak din ni Boy.

Sabi raw ni Bimby kay Boy, ”Alam niyo po, Ninong, I’m back to my four-year-old self. Parang nakikita ko po na kayong dalawa ay nagsho-show.”

Maaalalang matagal nagkasama si Kris at Boy sa ilang talk shows, gaya ng “Startalk” (1995-1996), “The Buzz” (1999-2015), “Boy and Kris” (2007-2009), at “Aquino and Abunda Tonight” (2014-2015).

Boy Abunda on Kris Aquino’s stay in the U.S.

Hiling naman daw ni Boy kay Kris ay magpagaling ito at pinangakuan niyang gagawa sila ng programa kapag naka-recover na si Kris sa kanyang sakit. 

Kasalukuyang nagpapagaling ang tinaguriang “Queen of All Media” matapos siyang tamaan ng limang autoimmune diseases. 

Ayon pa kay Boy, proud daw siya kay Bimby “for doing everything he can.” Samantalang ang panganay naman ni Kris na si Josh—anak niya kay Philip Salvador—ay palagiang nagdadasal para sa paggaling ng ina. 

Bukod sa tulong at suporta ng mga anak ay inaalagan din si Kris ng ilan sa pinakamahuhusay na nurses, doktor, at kasama pa sa bahay. 

READ ALSO: Ogie Alcasid Pays Kris Aquino A Visit In The U.S.

Habang tuluy-tuloy ang pagre-recover ni Kris sa sakit niya, hindi pa raw ito makakauwi ng Pilipinas. Ayon pa kay Boy, mananatili pa raw si Kris sa U.S. “for another 15 or 18 months.” 

Saad ni Boy, “Ang dahilan po no’n ay dahil yung meds po na kailangan ni Kris ay available lamang po doon.

“At saka, yung accessibility to the doctors ay kailangan po ‘yun kaya she has to stay, mga ganun, I mean nobody’s sure. We are praying na sana ay mapaikli po ito para makasama po natin si Kris dito sa Pilipinas.”

Boy Abunda relays Kris Aquino’s wish and message 

May mensahe naman si Kris sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na nagdarasal para sa kanyang pag-galing. 

Screenshot 2023 11 10 171415
Bimby Yap, Boy Abunda, Kris Aquino
IMAGE: krisaquino on Instagram

Sabi ni Boy, “She wanted me to let you know, kayo po, na sobra ang kanyang pasasalamat na hindi niya kinakailangan na kaibigan, kakilala, katrabaho, kamag-anak. But alam niyang nagdadasal ang lahat. 

“And she said, ‘Boy, paki sabi, maraming, maraming, maraming salamat.'”

Pakiusap din daw ni Kris na ipagdasal din ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Ayon daw kay Kris, “It’s also nice, sana if people can pray for the people around me, my children, my sisters.” 

Ito ay bagay na sinang-ayunan ni Boy at sinabing, “Doon ko na-realize na when we pray for somebody who doesn’t feel well, let’s also pray for the people who are taking good care of the people who are sick.”

Sa pagtatapos ng kanyang maikling salaysay tungkol sa kanilang reunion ay sinabi ni Boy na ipinagdarasal niya rin ang pag-galing ni Kris.

READ ALSO: Kris Aquino Clears Relationship Status As She Continues To Recover From Illness

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.