Rob Gomez Thankful For Continuous Streak Of Projects Despite Facing Controversy

Rob Gomez thankful producers did not pull him out from his projects amid controversy

Masaya ang Kapuso actor na si Rob Gomez sa sunud-sunod na proyekto niya ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng kinaharap niyang isyu nitong mga nakaraang buwan, na may kinalaman sa kanyang dating partner na si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.

Mayroon silang isang anak, ang eight-month-old na si Amelia.

Nakausap ng FreebieMNL at iba pang reporters si Rob sa media conference ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” noong November 14 sa Valencia Events Place.

Dito niya ibinahagi kung gaano siyang nagpapasalamat dahil hindi siya nawawalan ng gagawin one project after the other.

Sa katunayan, noong araw ng press conference ay may taping siya para sa primetime series niyang “Lovers/Liars.”

“I’m so thankful, thankful. I came from Novaliches and I’m gonna come back [there] after everything [here]!”

Bukod dito, busy si Rob na mag-promote ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” at kakatapos lang din umere ng afternoon series niyang “Magandang Dilag.”

READ ALSO: Iza Calzado Returns To Acting Via “Shake, Rattle, & Roll Extreme”

Naniniwala raw si Rob na ang anak niya ang dahilan kung bakit marami siyang blessings na natanggap ngayong taon pagdating sa kanyang career.

“I’d like to think that my princess, my baby was my blessing from the start.

“Before I got ‘Magandang Dilag,’ she was there na and itong mga ito, napila na po ito before everything happened.

“I’m just so happy that they didn’t pull [me] out, they trusted that they know I’m not like that, that’s not me.

“It was just placed really badly on social media, it transcends differently when it’s a story told by someone to someone,” sabi niya sa kinasangkutang isyu.

Rob Gomez
Rob Gomez

Sa ngayon, okay pero “still working on it” daw si Rob pagdating sa mga personal problems niya.

Nagpapasalamat din siya na naging parte siya ng “Shake, Rattle & Roll,” ang successful horror franchise ng Regal Entertainment.

“I feel very honored and flattered to be part of another big franchise of Regal. I had a lot of fun being part of ‘SRR,” sabi niya.

Nag-enjoy din daw siya sa paggawa ng bloody at action scenes sa episode kung saan bahagi siya, ang “Rage.” Kasama niya rito sina Jane de Leon, Paolo Gumabao, Bryce Eusebio, Mika Reins, Sarah Edwards, at Dustin Yu.

Ito ay tungkol sa grupo ng mga kabataan na naapektuhan ng epidemyang dahilan para magpatayan ang mga tao sa isang baryo.

Ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” ang ikalawang beses na naging bahagi si Rob ng successful franchise ng Regal Entertainment.

Nauna na dito ang “Mano Po Legacy,” kung saan naging parte si Rob ng first season nito kasama si Barbie Forteza at David Licauco.

Showing na on its second week sa sinehan ang “Shake, Rattle & Roll Extreme.”

READ ALSO: Sparkle Artist Dustin Yu Relates Experience In First Film, “Shake, Rattle & Roll”

Rob Gomez on “Lovers/Liars”

Excited naman ngayon si Rob para sa “Lovers/Liars,” isa na namang series collaboration ng GMA-7 at Regal Entertainment. Nasa ikatlong linggo na ito sa pag-ere.

Sabi niya tungkol sa serye, “Lahat kami may anggulo na lover, may anggulo na liar. More mature than I expected, maraming mature things na mangyayari.”

READ ALSO: Claudine Barretto Returns To Doing Teleseryes Via Regal-GMA Collab “Lovers/Liars”

Bahagi siya ng love triangle kasama sina Michelle Vito at Polo Ravales. Nagkaroon din sila ng kissing scene ni Polo para sa isang eksena.

Bagama’t walang problema para kay Rob ang eksenang ginawa kasama si Polo, inamin niyang nagulat siya nang i-offer sa kanya ang role.

“I would say it’s okay, it’s a role, it’s a job. I’m up for the challenge pero nagulat lang po ako kasi wala siya doon sa linya ng plano ng manager ko, so they were shocked.

“Tita Roselle explained naman and there was some guidance, I guess, and I’m just excited to see what happens on screen.”

Ang Tita Roselle na tinutukoy ni Rob ay si Roselle Monteverde, ang executive ng Regal Entertainment at anak ng may-ari nitong si Mother Lily Monteverde.

Tinanggap ng husto ang tambalan nina Rob at ang leading lady niya sa “Magandang Dilag” na si Herlene Budol.

Ganito rin ang hiling niya para sa kanila ni Michelle.

“I hope we can do that. She’s very nice, she’s very professional so I’m trying to get to know her better.”

Umeere ang “Lovers/Liars” tuwing Lunes hanggang Huwebes sa third primetime slot ng GMA-7.

Banner Art Paulo Correa

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.