Ruru Madrid Recounts Meeting Coco Martin As Their Shows Go Head To Head With Each Other

Ruru says he was told by Coco, “Totoo nga niyan, naghahanda na kami, e”

Ibinahagi ng Sparkle artist na si Ruru Madrid ang naging pagkikita nila ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.

Naging balita ito dahil simula ngayong Lunes, November 6, magtatapat na ang dalawa sa primetime sa pagpasok ng bagong action series ni Ruru, ang “Black Rider.” Katapat nito sa ABS-CBN ang programang “FPJ’s Batang Quiapo,” na siyang pinagbibidahan naman ni Coco.

Ruru Madrid
Ruru Madrid

Sa press conference ng “Black Rider” noong October 27, ikinuwento ni Ruru ang naging encounter nila ni Coco sa isang event.

Ayon sa kanya, iyon ang parehong event kung saan nakita rin ni Ruru ang kanyang “Protégé” mentor na si Philip Salvador at ang senador na si Robin Padilla.

Kuwento ni Ruru tungkol kay Coco, “Nilapitan ko po siya para po magpakilala ako dahil sobrang taas po ng respeto ko ho sa kanya, sobrang taas po ng paghanga ko sa kanya.

“Hindi pa po ako nag-a-artista noon, talagang nanonood na po ako ng mga teleseryeng ginagawa niya.

“That’s why I’m very happy na nakita ko po siya noong gabing iyon, nagpakilala ako sabi ko, ‘Sir Coco, ako po si Ruru Madrid, galing po ako sa GMA. Isang malaking karangalan po na makilala kita.’

“And then, ang sagot lang niya sa akin, ‘Ano ka ba, ako nga dapat ang magsabi niyan, malaking karangalan na makilala kita. Pinapanood kita sa GMA, nakikita ko yung mga ginagawa mo, yung efforts mo.

“Sabi niya, ‘Ipagpatuloy mo lang yan. Totoo nga niyan, naghahanda na kami, e.’ Gumanon siya! ‘Tapos yumakap po siya ng mahigpit.

“Sabi niya sa akin, ‘Ipagpatuloy mo lang yan, nakikita ko yung pagiging makatao mo, ituloy mo lang yan.’

“Sobrang na-appreciate ko po yun dahil isa siya sa tinitingala ko pong mga artista sa industriya po natin.”

Hindi ito ang unang pagkakataong magtatapat ang mga programa nina Ruru at Coco sa primetime.

Ilang beses ding nakalaban noon ni Coco si Ruru sa seven-year run ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” kabilang na ang mga programa ni Ruru na “Encantadia” at “Sherlock Jr.”

Pero ang naging mahigpit na kalaban ng “FPJ’s Ang Probinsyano” bago ito nagtapos sa ere noong 2022 ay ang action-fantasy series na pinagbidahan ni Ruru, ang “Lolong.” Ang “Lolong” ay nagtala ng mataas na TV ratings at sinasabing ang top-rating program ng GMA-7 para sa taong 2022.

READ ALSO: Ivana Alawi, Jaclyn Jose Join New Cast Of “FPJ’s Batang Quiapo”

“Black Rider” vs. “Lolong”

Ayon kay Ruru, malaki pa rin naman daw ang pagkakaiba ng “Black Rider” sa nauna niyang seryeng “Lolong” kahit na pareho itong action series.

Kasama na dito ang mga circumstances ng shooting dahil kasagsagan pa ng pandemya noong ginagawa nila ang “Lolong.”

Kuwento ni Ruru sa press, “Siguro, malaki yung difference ng Lolong sa ‘Black Rider’ kasi when we were shooting ‘Lolong,’ naka-lock in kami niyan, e, dahil yun nga yung height ng pandemic.

“So, medyo hindi kami nakakapag-explore ng mas malaki pa, hindi kami nakakapunta ng iba’t ibang lugar, at the same time, yung mga tao, limited lang.

“But this time, dito sa ‘Black Rider,’ gusto namin, hangga’t kaya, iba-iba yung mga makikita niyo every night, iba-iba yung mga artistang makikita niyo every night.”

Ruru Madrid
Ruru Madrid as Elias Guerrero in “Black Rider”

Ayon pa kay Ruru, sinigurado ng GMA Public Affairs, ang production unit ng programa na hindi tinipid ang “Black Rider.”

Patuloy ng Sparkle actor, “Talagang ibinuhos ng lahat, of course ng Public Affairs, para mapaganda po itong programa na ito. Hindi po talaga tinipid, talagang ginastusan alang-alang para makapagbigay po tayo ng magandang programa sa ating mga manonod.

“At the same time, when it comes to fight scenes, sobrang laki rin ng difference dahil sa ‘Lolong,’ most of the time, ang gamit ko, arnis and hand-to-hand combat.

“Dito, of course, nagmo-motor ako, gusto rin natin i-promote yung Filipino martial arts, like Kali, yaw-yan, arnis. So, lahat yan ilalagay po natin.

“So, mas skilled si Black Rider kaysa kay Lolong so medyo mahirap yung stunts na ginagawa, mas mahirap yung fight scenes.

“But, of course, napapadali yun—shoutout to Direk Erwin Tagle—dahil siya naman yung nagte-train sa aming lahat para mapaganda yung eksena.”

Ang “Black Rider” ay tungkol kay Elias Guerrero, isang motorcycle driver para sa delivery app na Biyahero. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay magkakaroon pa siya ng isa pang katauhan bilang Black Rider, isang vigilanteng makikilaban sa notorious syndicate na Golden Scorpion.

READ ALSO: Barbie Forteza, David Licauco, Ruru Madrid Lead Sparkle Artists Renewing With GMA-7

Training for “Black Rider”

Sa katunayan, ginagawa pa ni Ruru ang nauna niyang serye ngayong taon na “The Write One” ay nag-umpisa na siyang mag-training para sa “Black Rider.”

Kuwento ni Ruru, “Actually, six months prior to our shooting day, talagang nagte-training na ako. Naalala ko, ginagawa ko pa yung ‘The Write One’ noong time na yun pero kahit puyat, diretso training.

“Siyempre, ayokong sayangin, e, hindi po lahat ng artista, nabibigyan po ng pagkakataon makagawa ng action na serye.

“Kaya, might as well, I will give everything sa tiwala po na pinagkaloob nila sa akin and ayoko pong i-take for granted yung tiwalang binigay nila sa akin kaya gusto kong higitan pa yung expectations nila sa akin.”

Kasama ni Ruru sa “Black Rider” sina Yassi Pressman, Katrina Halili, Jon Lucas, Gladys Reyes, Zoren Legaspi, Rio Locsin, Joem Bascon, Empoy Marquez, Dustin Yu, at Matteo Guidicelli, kabilang pa ang ilang batikang artista, sa ilalim ng direksyon nina Rommel Penesa at Richard Arellano, at Erwin Tagle bilang action director.

READ ALSO: Ruru Madrid On His Partnership With Yassi Pressman: “Hindi Kami Hardsell.”

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.