Christian Bables Recalls Heartbreak Story That He Used As Hugot For “Broken Hearts Trip”

Christian Bables reveals he just got over a heartbreak recently

Marami na raw heartbreaks na na-experience si Christian Bables pagdating sa usaping pag-ibig.

Pero ang isa sa mga tumatak na ginagamit pa rin niyang hugot sa pag-arte ay isang pangyayari noong siya ay nasa high school pa lamang.

Pagbabalik-tanaw ni Christian, “Nagpaligaw kasi siya, e, and then, bibigyan niya ako ng sagot kapag prom na.

“Binibitbit ko yung gamit niya, binibigyan ko siya ng Bunwich tuwing hapon, hinahatid ko siya sa kanila.

“’Tapos noong prom na, e, di sabi niya sa akin may sagot na raw siya, sinagot niya ako ng ‘No.’”

Umasa raw si Christian na magiging sila dahil hinayaan niyang manligaw siya. Ito ang unang heartbreak na na-experience ni Christian.

Sa kabilang banda, ang naging maganda sa experience na ito ni Christian ay nagagamit niya ito sa mga heartbreak scenes, kabilang na ang kanyang upcoming movie na “Broken Hearts Trip,” na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival 2023.

“Hanggang ngayon, nagagamit ko siya sa acting kasi nare-relieve ko yung pain, maybe because it was my first time to really fall in love.

“Kaya medyo—though wala na—pero kapag nire-relieve ko kapag gusto kong balikan yung pain na yun, nandito pa siya.”

Nakausap ng FreebieMNL at iba pang reporters si Christian sa press conference ng “Broken Hearts Trip” noong November 4, 2023 sa Fin & Claw Restaurant, Quezon City.

Bukod kay Christian, kasama sa pelikula sina Petite, Iyah Mina, Andoy Ranay, Teejay Marquez, at Jaclyn Jose, sa ilalim ng direksyon ni Lemuel Lorca.

Christian Bables
Christian Bables

Christian’s more recent heartbreak

Natanong din ng FreebieMNL si Christian kung meron ba siyang mas recent na experience pagdating sa pagkabigo sa pag-ibig.

Unang sagot ng 31-year-old actor, “Wala naman! Masaya naman tayo!”

Sa ngayon daw ay hindi siya in a relationship pero inamin din niyang nitong kalian lang ay nakaranas siya ng heartbreak.

Kahit daw ilang buwan pa lang ang nakalipas, pakiramdam daw niya ay matagal na ang nangyari dahil “nandoon na ako sa palimot na ako.”

Paano siya nag-heal mula sa heartbreak na ito?

Kuwento ni Christian, “Binabalikan ko at I think, I came to realize kung ano yung deserve ko.

“Masyado kasi akong mapagbigay, masyado akong all-out, as in all-out all-out. Hangga’t kaya kong tulungan, hangga’t kaya kong ibigay yung time ko, yung sarili ko, ibibigay ko.

“E, hindi naibabalik kaya medyo doon ako nag-focus ulit. Siguro, kailangan kong mag-focus sa sarili ko.

“Kailangan ko limitahan yung sarili ko sa kung ano yung mga bagay na dapat, yung puso na dapat in-offer ko.”

READ ALSO: Christian Bables Lands His Dream Role On “TV Patrol”

Christian’s third MMFF entry

Pangatlong beses nang magiging bahagi si Christian ng isang MMFF entry, at ang unang dalawang pelikula niya sa MMFF ay parehong tumatak.

Ito ay ang “Die Beautiful” kung saan siya nakilala bilang Barbs at ang “Big Night” na nagwagi ng maraming awards noong MMFF 2021.

Kaya tinanong siya ng FreebieMNL kung paano niya gustong mag-marka ang “Broken Hearts Trip” sa mga manonood.

Sagot ni Christian,  “Simple lang. Yung character ko, tinuturo niya kasi, I want him to be remembered doon sa kasabihang ‘It’s okay not to be okay.’

“It’s okay for you to face your pain, harapin mo, ramdamin mo yung sakit. Pain is meant to be felt hanggang sa wala nang power yung pain over you.

“Sa lahat naman ng cahracter na ginagampanan ko, sana kahit papaano, nakikita niyo rin yun, lahat yun, binibigyan ko ng 101% ng kaya kong ibigay.”

Magbubukas sa mga sinehan sa December 25, 2023 ang “Broken Hearts Trip,” kasama ang siyam pang entries ng MMFF 2023.

READ ALSO: Metro Manila Film Festival 2023 Unveils Six Remaining Entries

Banner Art Dani Sison

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.