Jerome Ponce Speaks Up About Aiko Melendez’s Blind Item That Allegedly Pertains To Him

“Baka siguro pangit talaga ugali ko,” says Jerome Ponce about the blind item

Nagsalita na si Jerome Ponce tungkol sa napapabalitang isyu sa pagitan nila ng aktres at Quezon City District 5 Councilor na si Aiko Melendez.

Ito ay matapos ang kontrobersyal na blind item post ni Aiko sa Facebook noong Setyembre tungkol sa isang aktor na may intials na “JP” at tinawag ng aktres na “mayabang.”

Agad din namang binura ni Aiko ang post na ito at hindi na nagsalita tungkol sa kanyang post.

Marami ang nanghula na si Jerome ang tinutukoy sa blind item lalo pa’t magkatrabaho sina Jerome at ang anak ni Aiko na si Andre Yllana sa Viva One series na “Safe Skies Archer.”

Jerome Ponce
Jerome Ponce
PHOTO @mrjeromeponce on Instagram

Nang makapanayam ng FreebieMNL at iba pang entertainment reporters si Jerome pagkatapos ng Q&A proper ng press conference ng “Safe Skies Archer” noong Biyernes, October 20 sa Viva Café, agad na natanong ang aktor kung ano ang masasabi niya tungkol sa tila parinig ni Aiko.

“Baka siguro pangit talaga ugali ko? I mean kayo, nakaka-approach naman kayo sa akin,” sabi ni Jerome sa press.

Patuloy niya, “But honestly, wala naman akong problema sa lahat, e.”

Sa tingin niya, misunderstanding ang nangyari sa pagitan nila.

Humingi rin ng paumanhin si Jerome kay Aiko kung nayabangan ito sa kanya.

Sabii ni Jerome, “Siguro, misunderstanding lang. Baka ako rin, baka antipatiko ako or isnabero ako pag unang kita. Pero kilala n’yo naman ako, di ba?

“Kung saan man nanggaling, e, di I’m sorry but kilala naman ako ng ibang kilala ni Miss Aiko.”

Nang kamustahin sila ni Andre, sinabi ni Jerome na “okay na okay” silang dalawa.

Paliwanag niya, “Andiyan si Andre, nagbabatian kami. Okay na okay kami ni Andre.

“Nagulat lang ako kung saan nanggaling. Siguro, yun yung first impression niya sa akin.”

Aiko’s blind item

Ikinagulat ng mga kaibigan ni Aiko sa Facebook nang mag-post siya ng blind item noong September 6 tungkol sa isang JP na sinabihan niyang mayabang.

Ayon pa kay Aiko, kailangan daw mag-seminar ng aktor na ito para matutong makisama dahil hindi porke’t bida siya ay magpapakita na siya ng “attitude.”

Saad ni Aiko sa kanyang post (published as is), “DIOS MIO JP ‘wag ka masyado mayabang… wala ka pa napapatunayan sa industriya para maging mayabang!

“Lord turuan n’yo naman itong bagets na ‘to matutong makisama. ‘Di porket bida ka attitude ka. Very wrong! Seminar ka muna para maging mabait ka.”

Marami agad ang nanghulang si Jerome ang tinutukoy sa post dahil nga sa initials na binanggit ni Aiko.

Noong panahong ito ay kakatapos lang ng story conference ng “Safe Skies Archer,” ang pangalawa sa University Series ng VIVA kung saan ipinakilala parehong cast members sina Jerome at Andre.

Si Andre ay nauna nang bahagi ng unang installment ng University Series na “The Rain In Espana” habang si Jerome naman ang ipinakilalang bagong bida ng “Safe Skies Archer” kasama ang VIVA artist na si Krissha Viaje.

Binura rin agad ni Aiko ang post na iyon subalit marami ang nakapag-screenshot nito sa social media.

Pagkatapos nito ay hindi na rin pa nagsalita ang konsehala tungkol sa blind item na kanyang ipinost.

Samantala, nakatakda namang umere sa Viva One ang “Safe Skies Archer” ngayong Nobyembre, kung saan kasama rin sa cast sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Aubrey Caraan, at Jairus Aquino kasama pa ang ibang VIVA artists.

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.