Marian Rivera, Dingdong Dantes Share How They Made Daughter Zia Aware Of Their Work As Celebrities

Marian and Dingdong will let their kids decide if they want to join showbiz

Inilahad ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kung paano nila iminumulat ang kanilang panganay na si Zia sa trabaho nila bilang artista. 

Marian Rivera and Dingdong Dantes
Dingdong Dantes, Marian Rivera

Sa ginanap na media conference ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na “Rewind”  noong Lunes, December 4, sa Dolphy Theater, sinagot ni Marian ang katanungan kung alam ba ng anak nila na si Zia at Ziggy ang trabaho nila bilang artista.

Kaugnay nito ay tinanong din sila kung nagpapakita ba ng interes ang mga anak nila sa pagsali sa showbiz.

Sagot ni Marian, “Actually, isa yan sa pinag-uusapan namin ni Dong, e. Kasi nung una parang hinahayaan lang namin na parang okay lang kung makita nila or hindi, bahala na.

“Pero nandun kami sa punto ni Dong na, bilang malaki na si Zia, siguro kailangan niya nang malaman ano ba ang trabaho ni Mama at ni Dada.” 

Ngayong lumalaki na raw si Zia ay pinagdesisyunan nila ni Dingdong na unti-unting ipakilala ang panganay sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng pagsama nito tuwing may taping, 

Ani Marian, “So, nagkasundo kami ni Dong na kailangan i-expose namin siya sa trabaho, like si Dong, dinadala niya sa ‘Family Feud’ tapos dinala namin sa ‘Bonggang Villa.’

“So, ‘Ito yung trabaho ni Mama, ito yung trabaho ni Dada.’ So, nagkaroon siya ng awareness na, “Ah, eto pala!’

“So, siguro, maganda rin na alam niya kung ano yung trabaho namin dahil ipinagmamalaki namin kung anong trabaho meron kami.”

Pag-uulit pa ng host na si MJ Felipe, “Susunod sa inyo?”

Mabilis naman itong sinagot ni Marian: “Mag-aral muna siya!”   

Marian Rivera and Dingdong Dantes with kids Ziggy and Zia.
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Kids Zia and Ziggy
IMAGE: marianrivera

Pareho ang naging pananaw ni Dingdong tungkol sa pag-aartista ng anak. Ayon sa kanya, ito ay bagay na pwedeng pagdesisyunan sa susunod na panahon. Ngunit sa ngayon ay mas focused daw silang ipakilala ang mga anak nila sa kanilang larangan. 

Saad ni Dingdong, “Later on, magiging choice naman nila ‘yun, e. Ang mahalaga ngayon, e, alam talaga nila kung ano yung ginagawa namin, and proud kami sa kung anong trabaho meron kami. 

Marian Rivera and Dingdong Dantes connect deeper through “Rewind” 

Sa nasabing presscon ay nagbahagi rin si Dingdong at Marian ng ilang bagay na kinaharap nila habang sinu-shoot ang “Rewind” 

Kaugnay nito ay nabuksan ni Dingdong ang usapin tungkol sa kanilang duty bilang magulang. Inamin niyang “challenge” nga raw ang paghahatid sa mga bata sa school bago dumiretso sa taping. 

Ngunit, sinabi rin ni Dingdong na nakita nila itong opportunity ni Marian upang makapag-usap pa habang nasa byahe—bagay na hindi raw nila madalas nagagawa. 

Ipapalabas na sa sinehan ang pelikulang “Rewind” nula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024, bilang parte ng taunang Metro Manila Film Festival

READ ALSO: Dingdong Dantes, Marian Rivera’s MMFF Entry “Rewind” Drops First Teaser

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.