Marian is open to working with Heart if their schedules will allow it
Kasunod ng pahayag ni Heart Evangelista ay naglabas na rin ng saloobin si Marian Rivera tungkol sa kanilang nagbabalik na samahan at pagkakaibigan.
Kasabay ng launch ng bagong endorsement ni Marian noong Miyerkules, November 15, ay ipinahayag niya rin and kanyang nararamdaman ngayong nag-uusap na ulit sila ni Heart.
IMAGE: marianrivera on Instagram
Ani ni Marian sa ilang miyembro ng press, “Yung puso ko ay…ang nararamdaman ko, talagang my heart is happy. Tapos nandun ako sa peaceful… na finally, everything, alam mo yung God’s perfect time.”
Dagdag pa ni Marian, mas masarap daw sa feeling na “peaceful” at “masaya” araw-araw dahil wala siyang iniiwasang tao.
Laking pasasalamat niya rin sa Panginoon, dahil aniya, “Ibibigay Niya talaga sa iyo yung makakabuti para sa iyo.”
IMAGE: iamhearte on Instagram
Ibinunyag ni Marian na palagi raw silang nagkakausap ni Heart simula nang magka-ayos silang dalawa. Ngunit ayon kay Marian, huwag na lang ungkatin ang iba pang detalye ng kanilang mga napapag-usapan.
“Siguro kung anuman yung mga pinag-uusapan namin sa behind, siguro balato niyo na lang sa amin yun kasi it’s too personal for us,” saad ni Marian.
“So, nakakatuwa na may mga conversation kami, na hanggang ngayon may communication kami. So, alam mo yun, God is good,” dagdag pa niya.
READ ALSO: Marian Rivera, Heart Evangelista Follow Each Other On Instagram
Marian Rivera is open to working with Heart Evangelista
Ngayong maayos na ulit ang samahan ni Marian at Heart ay marami nga ang nagtatanong kung handa na ba sila na makatrabaho ulit ang isa’t isa.
IMAGE: marianrivera on Instagram
Panimula ni Marian, hectic daw ang schedule nila ni Heart para sa isang collaboration. “Parang parehas yata kami na hindi na natutulog…Parang siya rin, hindi na din natutulog,” aniya.
Sa kabila nito, hinihintay pa rin daw niya ang pagkikita nila ni Heart, ngayong magbibirthday ang Chief Executive Officer ng kanilang home network na GMA-7, si Atty. Felipe L. Gozon.
Saad ni Marian, “Pero in time, for sure, magkikita kami niyan in time kasi birthday ni FLG, alam mo yun, so maraming pagkakataon. “
Nang tanungin pa si Marian kung magiging maluwag ang schedule nila ni Heart para sa isang proyekto, maikli at diretso ang naging sagot niya.
“Why not? Oo naman, sure,” sambit ni Marian.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag ay sinabi ni Marian na malaki ang utang na loob niya sa mga taong tumulong upang magkaayos sila ni Heart—isa na rito ang kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco.
Madalas magkita si Marian at Camille gayong sa iisang school lamang pumapasok ang anak ni Marian na si Sixto at Zia at anak ni Camille na si Isabella.
Banner Art Paulo Correa