Nicaragua’s Sheynnis Palacios Crowned As Miss Universe 2023; PH Bet Michelle Dee Finishes Top 10

Nicaragua bags its first-ever Miss Universe crown!

Itinanghal na bagong Miss Universe si Sheynnis Palacios, ang 23-year-old candidate ng Nicaragua.

Ginanap ang Miss Universe pageant sa El Salvador ngayong Linggo, November 19, 2023. 

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios
Sheynnis Palacios
IMAGE: Miss Universe

Kuminang ang Nicaraguan candidate sa walumpu’t tatlong kandidatang kasali mula sa iba’t-ibang bansa—kung kaya’t nasungkit niya ang kauna-unahang korona para sa Nicaragua.

Kasamang nakapasok ni Sheynnis ang pambato ng Puerto Rico, Australia, Colombia, at Thailand sa Top 5, kung saan naglaban sila para sa question and answer portion ng pageant. 

Naging mas mainit pa ang labanan nang tawagin si Sheynnis, kasama si Moraya Wilson ng Australia at Anntonia Porsild ng Thailand bilang Final 3.

Sa huli ay itinanghal na 2nd runner-up ang Australia at 1st runner-up naman ang Thailand. 

Beterana na si Sheynnis sa larangan ng pagandahan na hinulma ng kanyang experience matapos niyang lumahok sa Miss World competition noong 2021. Napasali din siya sa head-to-head challenge ng nasabing kompetisyon.

Si Sheynnis ay kinoronahan ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel mula sa USA. 

Maninirahan si Sheynnis sa headquarters ng Miss Universe sa New York, USA, sa loob ng isang taon bilang ambassador ng organisasyon. Makakasama sa pagpo-promote ng ilang adbokasiya ang kasalukuyang titleholder ng Miss USA na si Noelia Voigt at Miss Teen USA na si UmaSofia Srivastava

Michelle Dee brings the Philippines back to finals 

Nagbunyi din ang mga Pilipino matapos makapasok ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee at umabot ito sa evening gown portion ng kumpetisyon. 

Muling naibalik ni Michelle ang Pilipinas sa unang cut ng kompetisyon, matapos hindi palarin si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na pumasok sa final roster noong isang taon.

Ibinida ni Michelle ang gown na gawa ng fashion designer na si Mark Bumgarner. Ito ay isang itim na gown na hango ang disenyo sa cultural icon ng Pilipinas at tattoo artist na si Apo Whang-od. 

Binubuo ng ilang personalidad sa entertainment industry at dating Miss Universe titleholders ang selection committee, kabilang sila Halima Aden, Mario Bautista, Giselle Blondet, Janelle Commissiong, Avani Gregg, Carson Kressley, Dr. Conni Mariano, Iris Mitteneare, Sweta Patel, Denise White. 

Ang international singer naman na si John Legend and nag-perform sa ginanap na evening gown segment ng nasabing kompetisyon. 

Naging highlight din si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang backstage commentator sa nasabing pageant.  

READ ALSO: Who Is Michelle Dee Beyond The Miss Universe Crown?

Banner Art Dani Sison

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.