Bea Alonzo Reacts To Comments About Holding Kyline Alcantara’s Cake

Bea Alonzo: “Naawa kasi ako kay Kyline”

Naging isyu na ang paghawak ni Bea Alonzo ng birthday cake ni Kyline Alcantara.

Nangyari ito noong September 3, sa GMA-7 Sunday variety show na “All-Out Sundays,” nang magdiwang si Kyline ng kanyang ika-21 na kaarawan.

Habang nagpapasalamat si Kyline sa kanyang supporters, nakitang si Bea mismo ang nagkusang kumuha ng hawak na cake ni Kyline. 

Bea Alonzo
Screenshot from video by @jaycomanangantv

Dahil sa pangyayaring ito, may netizens at fans na tila hindi ito nagustuhan.  

Para sa kanila, hindi raw dapat pinaghahawak lang ng cake si Bea, lalo na at mas nauna sa industrita at mas malaki ang pangalan ni Bea kaysa kay Kyline

Katwiran ng ibang netizen, “hindi nakaka-queenly” ang ginawa ni Bea, na tinaguriang “This Generation’s Movie Queen.”

Ilan pa sa mga mababasang comment online ay:

“This Generation’s Movie Queen, Bea Alonzo, taga-hawak na lang ng cake?!”

“Hindi ginawa kay Bea ng ABS-CBN ‘yan.”

Habang ang iba naman, mas tinitingnan ang ginawa na ito ni Bea na isang magandang katangian daw ng totoong “queen.”

Sabi ng isang netizen, “‘Yan ang totoong queen, humble.”

READ ALSO: LOOK: “Unexpected Friends” Heart Evangelista and Bea Alonzo’s Date

Bea’s reaction to the viral video

Ang totoo, walang ideya si Bea na naging viral na pala ang paghawak niya ng cake ni Kyline sa “All-Out Sundays.”  

Naging aware lang daw si Bea na pinag-uusapan na ito online dahil sa message sa kanya ni DJ Jhai Ho nang hingan siya nito ng reaksyon at mai-report sa YouTube show na “Marites University.”

Isa si DJ Jhai Ho sa hosts ng programang ito kasama ni Rose Garcia, Ambet Nabus, at Jun Nardo.

Sa unang reply ni Bea ay natawa lamang siya. Sabi ng Kapuso actress, “Hahahaha. Ngayon ko lang nakita.”

Sinundan ito ni DJ Jhai nang komento na, “Kaloka ang mga tao, ‘no? Naghawak ka lang ng cake, ganito na ka-grabe ang mga reaction.”

Sagot daw ni Bea, “True.”

Bea Alonzo
Bea Alonzo (in white) holding Kyline Alcantara’s birthday cake on All-Out Sundays
Screenshot from All-Out Sundays

Ipinaliwanag din ni Bea ang naging dahilan kung bakit nga ba siya na ang kusang naghawak ng cake ni Kyline.

Ayon sa 35-year-old actress, “Naawa kasi ako kay Kyline na hindi niya mahawakan ang microphone niya. Kaya kinuha ko na lang ang cake para makapag-thank you naman siya sa mga sponsors niya.”

Tila um-agree naman si Bea nang mag-reply ito nang “tama” sa sinabi ni Jhai na parang gusto na lang din i-connect ng mga netizens sa ilang issue na may cake involved.

Kasama na rito ang cake issue ni Alex Gonzaga at recently, ni ang cake icing issue nina Vice Ganda at Ion Perez.

READ ALSO: Weekly Showbiz Round-Up: Alex Gonzaga’s Cake-Smearing Incident, Bea Alonzo Accused Of Land-Grabbing

Sa kasalukuyan, abala si Bea sa kanyang pangalawang proyekto sa GMA Telebabad, ang upcoming series na “Love Before Sunrise,” kung saan makakatambal niya ang tinaguriang “Kapuso Drama King” na si Dennis Trillo.

Ito ang masasabing pagbabalik-tambalan ng dalawa dahil magka-love team ang dalawa sa short-lived youth-oriented series na “K2BU” noong 2002.

Words Tamar Ysabel
Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.