Is Carla Abellana Transferring To Another Network?

Carla Abellana addresses rumor that she is joining “FPJ’s Batang Quiapo” in ABS-CBN

May bago nang kinabibilangang talent management si Carla Abellana.

Kamakailan, ipinakilala ng All Access to Artists (Triple A Management) si Carla bilang bagong artist. Makakasama na ni Carla ang dalawa sa malalaking artista ng Triple A, sina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Kung si Marian ay kilala bilang “Kapuso Primetime Queen,” at si Maine bilang “Phenomenal Star,” tinawag namang “Goddess” ng bago niyang management kay Carla.

Ang mga executives ng Triple A na sina Direk Mike Tuviera, Jacqui Cara, at Jojo Oconer ang nag-welcome kay Carla nang pumirma itop ng management contract sa Sampaguita Gardens noong September 26.

Bago ang Q&A portion kasama ang media, ang hair stylist na si Celeste Tuviera muna ang nagkaroon ng one-on-one interview kay Carla.

Ang unang tanong na ibinato niya rito ay kung saan nga ba nanggaling ang tawag na “Goddess” sa aktres.

Saad ni Carla, “I believe, from GMA po ‘yan. Nagsimula po ‘yan sa ‘Primetime Goddess.’ Hindi ko nga po alam, sabi ko nga po, ‘Saan ba galing ang ‘Primetime Goddess’ na ‘yan?’

“Pero, nagsimula po sa GMA po ‘yan at lagi na pong name-mention sa GMA kapag meron pong teleserye.

“So, medyo tumatak po siya. Nag-iiba-iba from time to time. Naging ‘Primetime Goddess,’ ‘Drama Goddess.’ And I think, mas naging consistent pa ‘yung ‘Goddess.’ Pwedeng pang-primetime or afternoon prime.”

Carla Abellana

Is Carla Abellana leaving GMA-7?

Bago lumipat si Carla sa Triple A Management, siya ay talent ng Luminary Talent Management na pag-aari ni Popoy Caritativo, kung saan kasama niya ang dating asawang si Tom Rodriguez.

Kasabay ng kanyang paglipat ay may usap-usapang lilipat na rin daw ng network si Carla at aalis na sa kanyang home network for 14 years, ang GMA-7.

Nandiyang sa TV5 siya lilipat at meron din na magiging bahagi siya ng ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa lahat ng ito, ano ang totoo?

Sagot ni Carla, “Sa tingin ko po, kaya po ‘yan maingay o nagsimula yung ganung tsismis dahil yung kontrata ko po sa GMA, nag-expire na noong May. 

“So, medyo matagal na rin pong expired. Four months na rin pong expired ang aking kontrata. So, siguro po, doon po nagsimula ‘yon. 

“At wala pa pong renewal, wala pang signing or anything. So, siguro kaya may ganung nakakasingit kasi po, e, question mark pa po ‘yon.”

Sa kasalukuyan daw ay wala pang pinipirmahan si Carla na kontrata mula sa kahit saang network. Pero mayroon pa siyang upcoming teleserye sa GMA-7, ang afternoon series na “Stolen Life.”

Makakasama niya rito sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez at nakatakdang ipalabas sa Nobyembre. Pero matagal na nila itong natapos na i-tape.

READ ALSO: Carla Abellana Makes TV Comeback

Carla Abellana on “FPJ’s Batang Quiapo”

Sinagot din ni Carla ang tungkol sa “FPJ’s Batang Quiapo” ng ABS-CBN na diumano’y magiging isa na siya sa cast. 

Ayon kay Carla, “Kung mabibigyan po ako ng opportunity, why not? I would love to be part of ‘Batang Quiapo,’ pero, wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging part ng ‘Batang Quiapo.’

“At wala rin naman po akong offer na maging part ng kahit anong proyekto. Pero, kung yayayain po ako, aalukin po ako, magiging open po ako ro’n.”

Labing-apat na taon na Kapuso si Carla simula nang pasukin niya ang pag-aartista at ilunsad sa primetime series na ‘Rosalinda’ noong taong 2009. 

Sa kabila ng wala pa siyang pinipirmahang bagong network contract sa GMA-7 at under negotiation pa ang lahat, posible pa rin kaya na sa home network niya pa rin gugustuhin mamalagi?

“Of course, of course naman po,” positibo niyang sagot.

“Ever since naman po, GMA naman po ako, 14 years na po. Of course, I would love to stay.

“Sino ba naman po ang hindi gugustuhin mag-stay, ‘di po ba? Nandiyan na, e. ‘Yan na po, ‘yan na po ang buhay ko. Kilala ko na po ang lahat ng tao diyan.

“Na-build mo na ang trust, nakapag-build ka na ng family mo diyan. So, siyempre, ‘yun ang gusto ko and hopefully, that’s also what they want.

“Siyempre, ‘yung wish ko, mag-stay ka pa rin sa home network mo.”

READ ALSO: Carla Abellana Says “Voltes V: Legacy” Came At A Perfect Time In Her Life

Is Tom Rodriguez the reason why she transferred to Triple A?

Itinanggi naman ni Carla na ang ex-husband na si Tom Rodriguez ang dahilan kung bakit lumipat siya ng talent management.  

Mayroon ding usap-usapang si Tom din ang dahilan kung bakit naiisip niyang lumipat ng network.

Ayon kay Carla, wala itong katotohanan. Sa katunayan, napatawad at fully moved on na siya kay Tom.

Sinagot din ni Carla ang totoong estado ng mga legal na usapin sa kanilang ni Tom.

Ani Carla, “Hindi na po kami nag-uusap and yes, may mga legalities, paper works but pina-process pa rin po ‘yon.  

“Sa U.S. and sa Philippines, matagal po ang pag-proseso rito, sa ating justice system dito.

“Pero, we have our lawyers who deals with that po. Kumbaga, wala na po kami roon, out na po kami ro’n.  Hindi na po namin kailangang mag-usap or magkita or dialogue or appearance.”

Words and Interview Tamar Ysabel
Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.