Daniel Padilla Declares Love For Kathryn Bernardo Amid Breakup

“Ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan,” says Daniel

Binasag na rin ni Daniel Padilla ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Ilang minuto lang pagkatapos mag-post si Kathryn ng kumpirmasyon ng kanilang breakup, nag-post naman si Daniel sa Instagram ng pahayag ng pagmamahal sa dating girlfriend.

Sinimulan ni Daniel ang kanyang post sa isang tula tungkol sa kanyang pagmamahal kay Kathryn.

Saad ni Daniel, “Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito,

“Isang malaking biyaya ang pagmamahal.

“Ang mahalin ka. At mahalin mo.

“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.”

Nagpasalamat din si Daniel kay Kathryn sa pagsama sa kanya sa lahat ng kanyang pinagdaanan. Sabi rin niya, kahit pa raw nag-“drift away” na ang mga buhay nila ay mananatili ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide.”

READ: Kathryn Bernardo Confirms Breakup With Daniel Padilla

Message to KathNiels

Pagkatapos ng kanyang tula ay nagpasalamat naman si Daniel sa fans nila ni Kathryn at siniguradong hindi masisira ang pagiging pamilya nila sa kabila ng hiwalayang nangyari.

“Kathniels, Maraming salamat sa pag mamahal ninyo. maraming salamat sa napaka gandang pinag samahan natin. Hinding hindi namin ipag papalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawin nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan.

“Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.

“I pray for us to grow, and heal.”

Sa huli, muling nagpahayag si Daniel ng pagmamahal kay Kathryn–na tinatawag niyang “Bal”–at sinabing wala itong katapusan.

“Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”

Banner Art Dani Sison

OUR PARTNER BRANDS

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.