Billy Crawford, Coleen Garcia Make Special “It’s Showtime” Appearance For Vice Ganda’s Magpasikat Performance

Vice Ganda: “Kasi si Billy is one very important person sa buhay ko”

Muling nagbalik ang mag-asawa at dating “It’s Showtime” hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa studio ng noontime show bilang parte ng Magpasikat performance ni Vice Ganda at teammates nitong si Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez. 

Billy Crawford, Coleen Garcia, and Amari
Billy Crawford, Coleen Garcia, Amari
Screengrab from It’s Showtime

Buhat ni Billy ang kanilang three-year-old son na si Amari habang tumutugtog ang kantang “A Million Dreams” mula sa pelikulang “The Greatest Showman.”

Matapos ang isang makabagbag damdaming performance tungkol sa pagkamit ng pangarap ay lalo pang tumindi ang emosyon nang magbigay si Billy ng mensahe para kay Vice.

Saad ni Billy, “Nahanap ko ang aking asawa at nabuo ko ang aking pamilya dahil dito sa programang ito.

“Para sa akin, it doesn’t really matter kung saan ka. Ang importante kasi is ito, lahat dito, iisa lang naman—puro puso. 

“Mahal namin ang isa’t isa, lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan. Pero at the end of the day, In God’s time, siya na rin ang bahalang mag-aayos. 

“Kaya on my end, I want to say I’m sorry. I’m sorry, Madlang People. I’m sorry, Kapamilya. But myself, nagpapakumbaba lang ako, na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya. 

“And, kasama na rin po kayo dun, Madlang People. So I really thank you. Thank you everyone for the support and love. 

“I just want to say, Vice, I love you!”

READ ALSO: Coleen Garcia Speaks Up On Alleged Vice Ganda, Billy Crawford Rift

Vice Ganda and Billy Crawford’s friendship 

Ayon naman kay Vice, lingid sa kaalaman ng lahat, “okay na okay” na raw sila ng “bestfriend” niyang si Billy. Nagte-text pa nga raw sila sa isa’t isa ngunit hindi raw nila napag uusapan ang tungkol sa Magpasikat performance. 

Vice Ganda hugging Billy Crawford
Vice Ganda, Billy Crawford
Screengrab from ABS-CBN Entertainment Live

Nabuo raw ang konsepto ng kanilang Magpasikat performance mula sa theme na “healing” ng performance ni Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid noong Miyerkules, November 8, 2023. 

Buhat dito ay napagpasyahan ni Vice na tawagan si Billy at Coleen na maging parte ng kanyang performance. 

Ani Vice, “Bigla kong naisip parang I think maganda yung kung hindi lang natin sinasabi yung salitang “healing.” 

“Yung ipinaparamdam din natin para maramdaman ng ibang tao na hindi lang siya sinasabi. Kailangan ginagawa siya at sinisimulan. 

“And Billy’s presence here today, and the Madlang People knowing that we are okay, baka mag-inspire ‘to sa inyo na mag-heal din. 

“Baka it’s about time, kaya niyo na rin. “Di ba? Na makipag reconcile lalong lalo na sa mga taong mahalaga sa inyo. 

“Kasi si Billy is one very important person sa buhay ko. ‘Di ba? Yan yung pinaguusapan natin nung nakaraan na, at the end of the day, you are my best friend. And I love you very much” 

Ang kanila raw pagbabalik loob sa kanilang minsan nang nasirang pagkakaibigan ay isang regalo para sa Madlang People, ayon kay Vice. 

READ ALSO: Here’s What Coleen Garcia Learned About Raising Her Kid Amari

Banner Art Paulo Correa

Get Hundreds of Discounts & Vouchers

Grab ₱100,000 worth of vouchers on food, home essentials, fashion finds and more!

Lush Sleep Body Lotion

DON’T MISS OUT! SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER.

Get weekly updates on new articles and deals.