Why did Xian wipe his YouTube clean of videos?
Hindi nakalusot sa mata ng netizens ang pagtanggal ni Xian Lim ng videos niya sa kanyang YouTube channel, kabilang na rito ang ilang vlogs kasama ang si Kim Chiu.
Napansin ito ng ilang social media users sa gitna ng tumitinding espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon ni Xian at Kim.
Tanging bio na lamang ang makikita sa channel ni Xian na may mahigit limang-daang libong followers. Nakasaad dito na, “Hi My name is Xian Lim.
“I’m an artist, content creator, and podcaster. I make vlogs about my travels, self-development, and just my life in general. If you’re into this type of content, please subscribe for awesome videos.
“Smile and be happy!”
Samantala, published pa rin ang vlogs ni Kim kasama si Xian sa kanyang YouTube account.
Marami na rin ang nagawang vlogs ni Xian kasama si Kim, kung kaya’t ang pag-delete niya sa videos ay mabilis na iniugnay ng ilan bilang kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan.
Are Xian Lim and Kim Chiu’s romance in rough waters?
Ilang linggo na rin ang nakalipas nang magsimulang usisain ng publiko ang kaganapan sa pagitan ng magkasintahan. Ito’y matapos mapansin na hindi na namamataang magkasama ang dalawa sa pictures man o personal.
July 30, 2023 pa ang huling social media update ni Kim kasama si Xian. Ito ay nung nagbakasyon sila sa Hong Kong.
Ilan pa sa mga naging indikasyon ng kanilang pagkakalabuan ay ang pag-iwas ni Kim kamakailan lamang sa tanong tungkol sa kanilang relasyon.
Noong November 27 ay kinumusta ni Gretchen Fullido ng ABS-CBN News kung ano ang “latest” sa kanyang love life.
Tipid na sagot ni Kim, “Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna.”
READ ALSO: Kim Chiu Neither Denies nor Confirms Split With Xian Lim
Ang kanyang pahayag ay malayo sa kung ano ang naging sagot niya sa ginanap na media conference ng “Linlang” noong October 31, 2023.
Ayon sa kanya, maayos naman ang kanilang relasyon ay walang dapat ipag-alala ang kanilang fans. Hirit pa niya, “mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman po. Masaya naman po.”
READ ALSO: Kim Chiu Denies Split Rumors With Xian Lim
Ito ay bagay na sinegundahan naman ni Xian sa kanyang Instagram post, kung saan hiniling niya ang netizens na maging “mindful” sa mga bagay na pinaniniwalaan online.
READ ALSO: Xian Lim Airs Sentiments About Deceiving Headlines
Banner Art Dani Sison